Thursday, November 18, 2010

CHAPTER 15

Kasalukuyang namamahinga ang binata, pagod na pagod siya sa biyahe. Nakatulog na nga siya buong maghapon at ngayon na kagigising lang niya ay wala siyang planong bumaba. Napagpasyahan niyang lumabas ng kwarto at magtungo sa kanyang terrace.
Kakagising lang ng dalaga at parang naiinitan kaya napagpasyahan niyang tunguhin ang terasa. Palabas na ang dalaga ng magkatinginan sila ng binata sa kaharap na bahay. Si James! Sigaw ng puso niya. Kahit kailan hindi nawaglit sa isipan ni Devon ang lalaki. It’s been a while ng hindi sila nagkita, pero bakit nasaksaktan parin siya kapag naalala ang nakaraan.
Nakatingin parin si James sa dalagang agad nagbawi ng tingin. Bigla parang sasabog ang puso niya, gusto niya itong yakapin. Miss na miss niya ang dalaga. Pero hindi na kagaya ng dati ang lahat, kahit ano ang gawin niya ay hindi na mababalik ang dati. Devon hates him, at sobra niya itong pinagsisihan. Kung hindi ba naman siya gago at manhid noon, disin sanay mahal parin siya ng dalaga hanggang ngayon. Sa lalim ng iniisip ng binata ng muling pagmulat ng kanyang mata, hindi na niya nakita ang dalaga..nanlulumong pumasok ang binata sa loob ng kwarto niya.
Noong una siyang umuwi sa Pilipinas ang dalaga ang pinakauna niyang naging kaibigan. At dahil matanda siya ng isang taon dito, siya ang nagtayong kuya para kay Devon. He was her protector, if merong nag aaway dito siya ang nakakalaban. Pero ang lahat ng masasayang pangyayri sa kanilang pagkakaibigan ay biglang naglaho ng isang araw nalaman niyang sinagot nito ang mortal niyang kaaway, si Patrick. Akala ni Devon noon ang dahilan kung bakit siya lumayo dito ay dahil nagalit siyang ipinagkalat nito na mabaho ang kanyang paa. Hindi man lang siya naapektuhan ng kwento na gawa gwa lang ng dalaga. Kundi dahil pumatol ito kay Patrick kahit alam naman nito na playboy ang lalaki. Pagkatapos ni Patrick ay ang kaklase naman nitong si Carson ang naging boypren nito. At doon siya labis na nasaktan. Nang lumalayo na siya sa dalaga noon, ito naman ang lapit ng lapit. Literal siya nitong nililigawan. At lalo siyang nainis dito, dahil di man lang nito pinapahalagahan ang sarili sa sasabihin ng iba. Nang magkasakit ang dalaga noon niya lang napagtanto na noon pa niya lihim na minamahal ang dalaga mula ng una niya itong makita. Akala niya noon tuluyan na itong mawawala sa kanya. Halos mabaliw siya sa kahahanap sa dalaga. Sa sobrang pag iisip ng binata, dinalaw ulit siya ng antok.
SASAPIT NA ANG PASKO:
Lahat ay nagsipaghanda na para sa Noche Buena. Ang mama ni James ay busy na sa pagluluto ng masasarap na ulam para mamayang hating gabi.
Ma? Bakit naman ang rami niyong niluto eh 3 lang naman tayo dito sa bahay. Pinauwi na muna nila ang kanilang dalawang kasambahay para macelebrate ng mga ito ang pasko kasama ng kanilang pamilya.
Pupunta dito sina Devon, dito sila mag nonoche Buena kasama natin, e 3 rin sila doon mas mabuti at marami tayo mas Masaya! Excited na tugon ng mama niya.
Hindi naman napigilan ni James na madaliin ang oras. Siguro heto na ang pagkakataong hinihintay ko para makausap ulit ang dalaga. Bulong ng isisp niya.
Habang sa kabilang bahay ay busy din ang mag anak. Tinutulungan ng mag ama si Rose sa pagluto para dalhin mamaya sa kabilang bahay. Nang malaman ni Devon na doon nila icecelebrate ang pasko ay hindi niya mawari ang nararamdaman. Naeexcite siya hindi dahil magpapasko na kundi dahil mapapalapit sila ulit ng binata. Nakalimutan na ba niya ang galit nito?
Papasok na sina Devon at ang mga magulang nito sa bahay nina James. Kinakabahan ang dalaga at the same time excited sa muli nilang pagkikita ng binata. Pagkapasok pa lng ang nakita na niya ang mama nito, agad naman siyang humalik sa pisngi nito ganun na rin sa papa ni James. lahat ay masaya, kanya-kanyang kwentuhan, samantalang siya ay hindi mapakali. nais sana niyang tanungin kung nasaan ang binata. baka umalis ito dahil ayaw siyang makita. pero she doesn't have the courage to ask, nahihiya siya. habang masayang nagkwekwentuhan ang mga magulang niya at ang mga magulang ng binata, napagpasyahan ng dalaga na lumabas muna ang tunguhin ang garden ng kanyang Tita Emily. habang pinagmamasdan ang mga magangandang orkidyas na alaga nito ay may gumuhit na sakit sa kanyang puso. She remebered James, lahat ng mga nangyari noon. masasaya man o malulungkot. One thing she could not deny, she deeply misses James. At lahat ng mga naiwan nitong alalala 7 years ago ay nakakapagbigay ng kahungkagan. if she could bring back the old days, when she first met the guy who stole her heart. Sana di niya naisipang gawin ang kalokohan na sumira sa kanilang magandang samahan noon. Sana...kahit pagkakaibigan man lang ang mayroon sila ngayon...She is reminiscing the past ng may biglang tumikhim sa kanyang likuran...at dahan-dahan siyang lumingon. nakita niya ang binata na kanina pa tumatakbo sa kanyang isipan.

Hi! malamig na bati nito sa kanya. kamusta ang London?
Hello! she sounded nervous. Ok naman.

Dahan-dahang lumapit ang binata sa dalaga at hinawakan ang kanyang mga kamay. lalo naman siyang ninerbyos sa akto ng binata. gusto sana niyang bawiin ang kanyang mga kamay pero wala siyang lakas na gawin iyon. she couldn't deny the sensation she feels. mahal parin pala niya ang binata hanggang ngayon after all that happened before.

I've been waiting for this day to come Devon. tugon ng binata na nakapukaw sa malalim na pagiisip ng dalaga.

Hindi nakasagot ang dalaga at nakatitig lamang sa mga mata ni James, its dark...at may nakta siyang kumikislap sa mga mata nito. Pero bago pman niya matitigan iyon ng maigi ay agad itong tumalikod. Luha kaya iyon? tanong ng isip ng dalaga.

Come on inside Devon. aya nito.
For a moment ay hindi gumalaw ang dalaga, and then now she's following behind James.

Nang makapasok si James sa loob ng bahay ay deredretso itong umakyat sa itaas ng kanyang kwarto.

Sh*t! mura ng binata sa sarili. Why am I still affected!?, bakit ba hanggang ngayon I'm still expecting something from the past. I want her to love me again the same way she used to. Sana…….

2 comments:

  1. wow buti may blog na u!! masnadadalian ako magbasa sa blog eh... tnx for ur FF... ang ganda talaga nya... i'm always looking forward to the nxt chapter/s ;)

    ReplyDelete