Wow! Ikaw ba talaga ang gumawa niyan Bes? Gandang ganda si Devon sa ipininta ng kaibigan. Isa itong napakagandang bahay sa gitna ng parang na pinapalibutan ng magagandang bulaklak…sa kanang bahagi ng parang ay may isang batis na kumikinang ang tubig. Naabot ni Fretzie ang pangarap nitong maging pintor. Noong mga bata pa sila ay ipinangako nilang dalawa na aabutin ang kanilang pangarap, at nagawa nila.
Alam mo ba kung ano ito Bes? Tanong ng kanyang kaibigan. Naalala mo ba noon ng maliliit pa tayo, tulad nito ang gusto nating dream house? Malayo sa siyudad, walang polusyon at tahimik. Napaligiran ng mga magagandang bulaklak, malapit sa batis at siyempre magkapitbahay tayo! Hahahaha…sabay silang natawang magkaibigan.
Alam mo Fretz na miss talaga kita! Kamusta na pala kayo ni Brett? Oi….tudyo ng dalaga.
Buang! Sabay kurot sa dalaga. Hahaha…Ok na ok kami syempre, dahil sayo!
Talaga lang ha! At nagharutan na ang dalawa.
Naiinip na si James sa kahihintay ng kanyang mga magulang. Habang nakikinig ng musika gamit ang kanyang Ipod ay nilibot niya muna ang buong Airport habang wala pa ang mga magulang.
It’s been 7 long years! It’s nice to be back home! Hindi mapigilang maalala ng binata ang mga nangyari noon na naging dahilan ng kanyang pag alis.
Baliktanaw:
Dinalaw ni James si Devon right after the operation. Kagigising lang ng dalawa ng may pumasok na di inaasahang bisita.
Nakayuko si James habang papalapit sa kama ni Devon, kinakbbahan siya ng di mawari.
Bakit ka nandito, tanong ng dalaga sa walang kabuhay buhay na tono.
Matagal pa bago makasagot si James, di niya alam ang sasabihin sa dalaga.
Why are you here?tanong ulit ng dalaga.
Dahan dahan namang inabot ni James ang dala-dala niyang isang basket ng ibat-ibang prutas.sa dalaga. Para sayo Devs.
Salamat, halos bulong na pasalamat ni Devon. Nag abala ka pa.
Walang ano man, Dev’s mmmmmmmmm.. I am sorry for what happened Devs.
Hindi man lang umimik ang dalaga…
Pls say something Devs, hindi ko sinasadyang saktan ka.
Let us forget about everything that happened in the past James. Nakaraan na yon.
I want to make it up to you Devs. Gusto kong ibalik ang dati nating pagkakaibigan.
We could not bring back the past James. And you don’t need to.
I’m sorry Devs, kung alam mo lang kung paano ko pinagsisishan ang mga masasamang nasabi ko.
Wag mo akong kaawaan James, I don’t need it. Puno na ng hinanakit ang boses ng dalaga. Alam mo bang pinagsisihihan ko rin ang mga nangyari..lalo na ng makilala kita? I’m sorry James, hindi ko kailangan ang awa mo. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong magustuhan ako dahil naawa ka sa akin,dahil tanggap ko nang hindi mangyayari iyon kahit kailan.
Devon I’m sorry, I don’t pity you, kung ano man ang nakikita mo o ano man ang ginagawa ko for you, hindi ko pinipilit ang sarili kong gawin iyon, kusa kong ginagawa.
Hindi na kita mahal James, pinalitan na ang puso ko remember? Ng nawala ang puso ko at ng pinalitan ng bago, kasama ng nawala ang pag ibig ko sayo!
Why are you doing this Devon? hindi ako naniniwala sa iyo!
Pwes maniwala ka James dahil lahat ng sinabi ko ay totoo! Hindi na ako hibang ngayon sayo, wala na ang dating Devon na nakilala at sinaktan mo.
At dali-daling tumalikod na ang dalaga para maitago ang tunay na nararamdaman….hindi mapigilang pumatak ang mga luha ng dalawang taong parehong nasasaktan.
Iyon na ang huling pagkikita ng dalawa. Umalis si James papuntang Australia, at siya naman ay sinama ng mga magulang papuntang London para magpagaling.
No comments:
Post a Comment