Kasalukuyang pumapasok si James sa loob ng Hospital para bisitahin ang kanyang pinsan, pinagmamalaki kasi nito ang teknolohiya ng nasasabing Hospital kaya nitong makita rin ya. Maganda nga ang Hospital, maraming mga facilities na hindi makikita sa Hospital sa Pilipinas. Habang dumadaan ang binata sa hallway ay nakarinig siya ng pamilyar na boses. Agad naman siyang nagtago para hindi makita ng mga ito. Ano ang ginagawa ni Brett sa hospital at kasama si Fretzie? Tanong ng binata sa sarili. Kinakabahan siya ng hindi mawari. Nagtago siya ng mabuti para hindi makita ang mga ito, plano niyang sundan ang dalawa kung saan ang mga ito patungo. May dala-dala silang mga pagkain, galling ata sila sa grocery sa groundfloor ng Hospital. Sino kaya ang binibisita ng dalawa, kilala kaya niya?
Ang bigat ng pinamili natin Brett, ang rami naman nito eh tayo lang namang dalawa ang kakain nito.
Eh marami ka kayang kumain, at saka buong magdamag tayong magbabantay ngayon. Hanggang bukas na ang pagkain. Hahaha, natatawang sagot ni Brett sa dalaga. Naamuse siya sa mukha nito, parang bigat na bigat ito sa dala-dalang pagkain, eh puro chichirya lang na man.
Kinurot na man ng dalaga ang binata. At nagtawanan na ang dalawa papuntang room ni Devon.
Dahan- dahang sinusundan ni James ang dalawa, nakita niya na itong pumasok sa isang kwarto, Room 206. Nang isara na ang pintuan ay agad namang lumapit si James sa pintuan, ng may biglang tumawag sa kanya. Hindi niya man lang nakita ang pangalang nakasulat sa pintuan ng hospital room na iyon.
James! Tawag ng pinsan niya na nagpalingon sa kanya. Let’s go James, I will roam you around.
Are you done with your work? Tanong naman nito sa pinsan.
Yup, it’s the end of my shift, let’s go. At umalis na nga ang dalawa sa Hospital.
Kinaumagahan, ay may magandang balita na naghihintay kina Devon at mga magulang niya, ganun narin kina Fretzie at Brett.
I have good news for all of you! We found a perfect donor for Devon’s heart transplant. Her family is willing to donate the heart of the girl who died in a car accident. So we could start the operation the soonest time possible. If Devon’s condition is good, we could have the operation 2 days from now. Mahabang pahayag ng Doctor sa mga taong naroroon sa loob ng hospital room. At lahat ay tahimik na nag pasalamat.
Inihahanda na si Devon, the operation will take place tomorrow. Excited na ang lahat and at the same kinakabahan. Hindi basta-basta ang gagawing operasyon, maselan ito at maari ding ikamatay ng dalaga. But they are hoping fort he best, gagaling ang dalaga at babalik ito sa dating sigla. Ang masayahing si Devon.
Umuwi ang mga magulang ng dalaga para kumuha ng mga kailangang gamit, bukas na ang mga ito babalik bago umpisahan ang operasyon. Kasalukuyang sina Brett at Fretzie ang nagbabantay sa dalaga. Alas nwube na ng gabe nag may biglang kumatok sa kawarto ni Devon. Narinig iyon ni Fretzie at agad na tumayo para pagbuksan sa akalang ang nurse ni Devon ang kumakatok, at agad naman niyang naalala na kanina pa ang huling bisita ng nurse nito. Habang si Brett naman ay nakatulog na sa couch, halatang pagod na pagod. Tumigil sandali ang pagkatok, at ng pabalik na sa pag upo si Fretzie agad namang kumatok ulit ang nasa likod ng pintuan. Nagtataka man kung sino ang kumakatok ay napagpasyahan ni Fretzie na buksan ang pinto.
James! Kinakabahang bati ni Fretzie sa binata. Hindi inaasahan ng dalaga na Makita ito ngayon. Gusto pa sana niyang isara ang pintuan at humingi ng tulog kay Brett pero tuluyan ng nakapasok si James sa loob ng kwarto. Hindi inaasahan ni Fretzie na makita si James mas lalong hindi inaasahan ni James na makita si Devon na natutulog na parang walang buhay…..
No comments:
Post a Comment