Hindi makapaniwala ang binata sa kanyang nakikita. Si Devon nakahiga sa kama at parang hindi na humihinga. Hindi napigilan ni James na lapitan ang natutulog na dalaga at hawakan ang pisngi nito. She’s so pale, para na itong tingting sa sobrang payat. Ano ang nangyari sa kanya? Sigaw ng isip ni James. Ito ba ang tinatago sa kanya ng kaibigan? Parang naluluhang saad nito sa sarili.
Habang si Fretzie naman ay nakamasid lang sa binata, gayun din si Brett na nagising dahil sa yugyog ni Fretzie sa kanyang balikat. Laking gulat nito ng makita ang kaibigan sa tabi ng natutulog na si Devon. Hindi alam ng dalawa ang gagawin, papalabasin ba nila si James o hayaan nila itong lumapit sa dalaga?
Hindi alam ng tatlo ang gagawin, walang isa man ang nais maunang magsalita. Nang hindi makatiis si James….
What happened to Devon? tanong ng binata?
She has a congestive heart failure, deretsong sagot ni Brett.
Parang nanlulumong napaupo si James sa upuan na katabi ng kama ni Devon. Hindi siya makapaniwala sa mga nalalaman niya ngayon.
Imposible! Malakas si Devon, ni minsan hindi ko siya nakitang nanghihina. Dugtong ni James.
Kasi manhid ka! Hindi naman mapigilang sabihin ni Fretzie mabuti na lang at hindi narinig iyon ng binata. Malaki ang hinanakit ng dalaga kay James. Mula ng saktan nito ang kaibigan, itinuring na niya itong mortal na kaaway, at ano ang ginagawa nito ngayon. Bakit nandito siya, para ano? Para saktan na naman ang damdamin ng kaibigan ko? naghihimagsik ang kaloobang pahayag ni Fretzie sa sarili. Don’t you dare James!
Natapos ang gabing iyon na hindi nagpapansinan ang tatlo. Sina Fretzie at Brett ay nakatulog sa sobrang pagod habang si James naman ay tahimik na binabantayan si Devon. Awang awa siya sa dalaga. Napakabata pa nito para magkaroon ng malubhang sakit.
Naalimpungatan si James ng biglang may gumalaw sa ibabaw ng kama. Pagmulat ng kanyang mga mata nakita niya si Devon na parang mawawalan ng hangin kahit naka oxygen ito. Inaatake na naman ang dalaga. Hindi alam ni James ang gagawin, natataranta na siya sa sobrang takot sa ano mang mangyari sa dalaga.
Nurse! Nurse! Tulong!
Nagising naman sina Brett at Fretzie sa sigaw ni James at nataranta rin. Halos putlang-putla na si Devon, parang wala ng dugong umaagos sa katawan nito…parang kahit anong oras maari itong mawala. Hindi na hinintay ni James ang nurse ito na mismo ang lumabas para tawagin kung sino man ang pwedeng tumulong sa kanila.
James? Ano ang ginagaw mo sa kwarto ni Devon?
Cuz? Tulong si Devon inaatake! At dali-daling pumasok ang nurse para matingnan ang dalaga, at agad ding lumabas para tawagin ang Doctor nito.
Kinansela ang dapat sanay gagawing operasyon ni Devon, dahil narin sa atake nito. Kailangang ikondisyon na muna ang katawan ng dalaga para manumbalik ang lakas nito at maging successful ang gagawing operasyon. Nanlumo naman ang lahat dahil sa balita ng Doctor. According to the Doctor, they need to wait for another 2 days again to do the operation. So they just prayed na sana ay di na atakehin pa si Devon habang hinihintay ang araw na iyon. Labis na silang nag aalala dahil sabi na rin ng mga dalubhasa, 1 month pang hindi siya maooperahan ay baka tuluyan ng mawala ang dalaga.
Makalipas ang 7 taon:
Papasok na ng sementeryo sina Rudy at Rose,pitong taong anibersaryo ng pagkamatay ng isa sa pinakamamamahal nila sa buhay. Kakauwi lang nila sa Pilipinas galing London. Pagkatapos ng mga masasamang nangyari sa kanilang pamilya ay napagpasyahan nilang doon na manirahan para malimutan ang masasakit na nangyari noon at para narin magkasama silang mag asawa.
It's been a while Pa, hanggang nagyon ay nasasaktan pa rin ako tuwing maalala ang mga nangyari noon. malungkot na saad ng Ginang habang nakatitig sa libingan ng yumao.
It's time to move on Ma, matagal ng lumipas ang panahon. It's been 7 years. pahayag naman ng asawa.
Pero hindi pa rin napigilang lumuha ng ginang.
Pagkatapos pumunta ng mag asawa sa sementeryo ay agad silang nagtungo sa isang Mall para kumain sa isang Restaurant doon.
Asan kana? nandito na kami sa tagpuan..
I'm on my way, please wait. sagot sa kabilang linya.
Kumakain na ang mag asawa ng may biglang dumating at niyakap ang dalawa. Mum, Dad! bati ng dalaga.
Devon! nasasayahang bati naman ng mga ito. Akala namin ng daddy mo ay matatagalan ka pa, kaya nauna na kaming kumain.
Ok lang po dad.Busog po ako, nakikain ako kina Fretzie eh..nakangiting sagot ng dalaga.
Kagagaling lang ni Devon mula London, naunang umuwi ang kanyang mga magulang para umatend sa ikapitong anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang Yaya Lyds. Namatay ang kanyang butihing yaya ng sumabog ang sinasakyan nitong eroplano papuntang L.A 7 years ago, sa araw ng kanyang Heart operation. Hindi nila nakita ang bangkay ng matanda, ngunit isang gabi ng nasa London sila ay nakatanggap ng tawag ang kanyang mama na natagpuan na raw ang katawan ng kanyang yaya na matagal na nilang hinahanap, kasama ang lahat ng nagpapatunay na ito nga taong hinahanap nila. Hindi man makapaniwala sa trahedyang nangyari ay wala silang choice kundi ang tanggapin ito ng bukal sa loob. Naisip nga nila na ang kapalit ng paggaling ni Devon ay ang buhay ng kanyang mahal na yaya. But everyone should move on, and they are all facing the good sides of life now. Nakagraduate na si Devon from College, at isa na siyang ganap na Architect ngayon. Nahuli siyang bumiyahe dahil tinapos pa niya ang kanyang pagdidisenyo sa bahay ng kanyang kaibigan sa London.
Trina, where's my coffee?! sigaw ng binata
ah..po..ah..andito po Sir James, heto na po ang kape ninyo. at natatarantang inilapag ng sekretarya sa mesa ang kape ng kanyang Boss. Para atang wala na naman ito sa mood. Nag away na naman siguro ang amo at ang nobya nito. bulong ng isip ng sekretarya. Hindi na pinansin ni Trina ang nag ngingitngit na amo, bumalik na ito sa kanyang pwesto para umpisahan ang kanyang mga paper works sa araw na iyon.
Trina do you know what's the meaning of "one word is enough for a wise man?" biglang tawag ng binata.
Napalingon naman ang dalaga sa sinabi ng Boss dahil sa nang iinsulto nitong tugon. Pero binalewala na lng ito ng sekretarya. Kahit kailan ay mainit ang ulo ng Boss, at dahil siya ang sekretarya nito, tinitiis niya na lang ang mood nito. Mahirap atang maghanap ng trabaho sa ngayon, at makahanap ng napakagwapong Boss.
Noon ko pa sinabi sa yo na bago ako dumating sa office ay dapat handa na ang coffee! hirit na namn nito.
Opo, ito lang ang tanging nasabi ng dalaga.
Nang makatapos ng pagaaral si James 1 year ago ay agad na ipinasa ng kanyang ama sa kanya ang kumpanyang pinagmamay-ari ng kanilang pamilya. Isa itong advertising Company na kilala na sa buong Australia dahil na rin sa magaling na pamumuno noon ng kanyang ama, at ngayon nga ay tuluyan na itong nagretiro. At siya na ang nagmamalakad ng kompanya for a year. Binatang-binata na siya ngayon, kung noon ay para siyang walis tingting sa kapayatan, ngayon ay malaki ang ipinagbago ng katawan nito na lalong naging daan upnag mas maging marami ang nahuhumaling na mga babae sa binata. Pero sorry na lang ang lahat ng mga girls na may lihim na pagnanasa sa kanya dahil taken na ang binata. Simula ng magpasya si James na ipagpatuloy ang pagaaral sa bayan ng kanyang ama, naging iba-iba na ang naging girlfriends nito hanggang sa magtagpo ang landas nila ng nobya nitong si Kyra. Kyra is a pure Filipina na nag-aral sa Australia. maganda at napakabait na dalaga. Kaya hindi na nagtaka ang marami kung bakit ito ang naging long time girlfriend ni James for 3 years. Ngunit lately ay palaging nag aaway ang dalawa, at palagi namang wala sa mood ng binata.
Habang nagkakape ang binata at binabasa ang isang report ay nag ring ang kanyang telepono.
Anak? kmusta ka na? bati ng kanyang ina.
Ma? ok po ako. parang bigla ata niyang na miss ang ina.
Noong magpasya siyang bumalik ng Australia, hindi sumama ang ina nito. Mas gusto nitong kasama ang mga kaibigan sa Pilipinas at ang mga orchids nito kaysa sa kanilang mag ama. Pero naiintindihan niya naman ito. Hindi ito sanay sa ibang bansa kaya nirespeto nila ang desisyon nito, at ngayon nga dahil nagretiro na ang ama ay kasama na ito ng mama niya sa Pilipinas. At siya ay nagiisa sa Australia. Mabuti na lng at ang sekretarya niya na palagi niyang pinapagalitan ay isang Pinoy, hindi siya nahihirapan. At ganun din ang kanyang nobya. Pero nitong mga nakaraang araw, palage na lang itong wala, ni hindi niya mahagilap.
Anak I have goodnews for you! excited na balita ng Ginang. Sina Tita Rose mo ay dumating na galing London. At sabi nila ay mag stay na sila dito sa Pilipinas for good! Dito na raw nakabase ang papa ni Devon!
Agad namang natigilan ang binata pagkarinig sa pangalan ng dalaga.
James! untag ng kanyang ina. are u still there?
Yes ma.
Kailan ka dito uuwi James?malapit na ang Pasko sana naman maisipan mong umuwi and to celebrate it with us. sa nagatatampong tinig ng ina.
Ma you know how much busy I am, Instead of visiting you there in the Philippines, kayo na lang kaya ang bumisita saken instead?
You know naman na I hate travelling di ba? so please umuwi ka, ako parin ang ina mo James, I'm still your mother. And you mom command you to go home the day after tomorrow! ok na siguro ang isang araw for you to settle all your responsibilities there. matatag na bilin ng Ginang sa anak.
At bago pa man makaprotesta ang binata, her mom dropped the call.
Hell! ang tanging nasabi niya.
No comments:
Post a Comment