Dinala nga ni Brett sa bahay nila sa Brentwood Heights. Malayong- malayo ito sa Los Angeles International Hospital kung nasan naroroon si Devon. Mapapanatag rin ang kalooban nina Brett at Fretzie kung di malalaman ng binata tungkol sa kanilang kaibigan. At mukha ngang hindi nito alam, hindi man lang nito binabanggit si Devon o ang dahilan kung bakit nandoon si Brett.
JACKS' RESIDENCE:
I miss my home back in Australia. Tugon ni James habang papasok sa garahe nina Brett.
Oh don't fool me Brett, I know you don't miss it. Mas miss mo siguro yong mga girls na naiwan mo doon 5 years ago. Brett mockingly laughed at James.
Of course not, you're ridiculous! sagot naman ni James.
James is staying for 3 days now sa bahay nina Brett sa L.A, but he doesn't have any evidence yet laban sa kaibigan about the secret. He knows and he feels that there is something between Fretzie and Brett. And he can't figure it out yet.
Hell! it's so frustrating! himutok ng binata.
One morning, nakita ni James na lumabas si Brett ng bahay at deretsong sumakay ng taxi. Gusto sana niyang sundan ang binata but to his dismay wala man lang cab sa labas ng gate, naghintay siya ng matagal just to grab a cab..pero hindi na niya alam kung saan patungo ang kaibigan.
Ano ba ang secrets niyo, why can't you just tell me! sigaw ni James sabay suntok sa hangin.
HOSPITAL:
Hi Fretz, bati ng bagong dating na si Brett kay Fretzie na nakaupo at nakasandal sa couch ng kawarto ni Devon.
Brett! mabuti at andito kana, umuwi na muna sina tito't tita para makapagpahinga.
Eh ikaw Fretz, hindi ka ba magpapahinga?nag aalalang tanong ng binata. Awang awa ito kay Fretzie, malaki din ang inihulog ng katawan nito simula ng umuwi sila galing Pilipinas. Buong magdamag itong nagbabantay sa kaibigan kasama ang mga magulang ni Devon at siya. At kung minsan ay nag iisa lang ito, dahil hindi siya makapunta sa Hospital dahil na rin sa pagtatago nila kay James. Ngayon niya lang ulit natuunan ng pansin ang dalaga....at nais niya itong aluin at akapin pero nahihiya siya.
Devon? I'm still holding on to what you have promised. Kaya kailangan mong magpagaling, ikaw na lng ang pag asa ko para mapansin ako ni Fretzie. at lalo namang nalungkot ang binata ng sumagi sa isipan niya si Devon at ang ipinangako nito.
Brett? what are you thinking?ang lalaim naman ng iniisip mo. nakatawang sabi ng dalaga. At gumaan na nga ang mukha nito kase nakangiti na.
Ha? ganun ba? gaano kaya klalim? at napalitan ang tahimik na paligid ng kwarto ng masaya na tawanan.
At iyon ang nagpagising sa nahihimbing na dalaga. She tried to sit at sumandal sa headboard ng kama, at dahan-dahang iminulat ang mga mata. I feel so weak, sigaw ng isip nito. At may narinig siyang tawanan sa loob ng kanyang kwarto.
Bes, tawag niya sa kaibigan sa pinakamahinang boses. At napalingon naman ang dalawa.
Devon! sabay na bati nga dalawa sa dalaga.
Para namang hapo-hapo ang dalaga na nakasandal sa headboard ng kanyang kama.
Bes, Brett? tawag muli ng dalaga?penge ng tubig, I'm thirsty.
Here Devs sabay bigay ng isang basong mineral water
Thanks Brett!
Kamusta ka na pala Devs? galing kay Fretzie
Ok naman ako Bes, wag na kayong mag alala. Feeling ko nga ang lakas lakas ko na..at pinilit pang ngitian ng dalaga ang mga kaibigan para maitago ang kanyang kasinungalingan sa mga sinabi. She's not getting better but worser.Lahat ng sintomas ng kanyang sakit ay napagdaanan na niya, parang wala na siyang lakas upang lumaban sa mga susunod na mga atake ng kanyang karamdaman. Hindi lihim sa kanya, na medyo matatagalan pa ang pagundergo niya ng Heart Transplant, dahil na rin hindi madaling makahanap ng Donor. Gayunpaman, ni minsan ay hindi siya nawawalan ng pag asa. Hi hindi niya sinisisi ang Diyos dahil sa kalagayan niya. Wala siyang karapatang gawin iyon dahil binigyan siya ng Diyos ng masayang kabataan kasama ang mga magulang at mga kaibigan niya. Kung babawiin man ng Diyos ang buhay niya ngayon, walang dapat pagsisisihan dahil naranasan na niyang maging masaya. Ang Diyos lamang ang nakakaalam kung kailan nito babawiin ang buhay na ibinigay nito sa kanya, kung ngayon man iyon ay handa na siyang mamatay. Malulungkot man ang mga mahal niya sa buhay, eventually makakamove on din ang mga ito. At bigla na lng naalala ni Devon ang binata na labis nanakit ng kanyang kalooban..
Baliktanaw:
Yaya Lyds? paiyak na salubong ng dalagita sa kanyang yaya.Ito ang taga pagsundo niya kapag absent ang kaibigang si Fretzie. Dito siya kasi sumasabay pauwi. Lagi itong sinusundo ng papa nito at isinasabay din siya.
Anak bakit ano ang nagyari?bakit ka umiiyak? nag aalalang tanong ng yaya sa alaga.
Yaya..sumisinghot singhot na hikbi ng dalaga. Alam na po ni James ang ginawa ko, at galit na galit po siya sa akin.
Si yaya Lydia lang at si Fretzie ang nakakaalam sa kanyang ginawa.
Nag aalala namng niyakap ni Yaya ang alaga. Kasi naman ikaw eh, bakit mo ba pinagkalat na mabaho ang paa ng kaibigan mo, tukoy nito kay James. malumanay nitong tugon sa dalagita.
Alam niyo naman po yaya di ba?, nililigawan ni James si Tricia, at saka di po ako boto dun, maarte po iyon eh! mahabang paliwanag namn ni Devon. Ginawa ko po iyon yaya kase alam kong crush din siya ni Trish. Yon lang ang only way na kaya kong gawin para layuan na siya ni Tricia yaya. She doesnt deserve James, kawawa lang ang kaibigan ko kung maging boyfriend siya ni Tricia. umiiyak parin nitong paliwanag. At galit si James yaya, alam ko kung bakit dahil lumayo na si Tricia sa kanya. dugtong pa ng dalaga.
Mabait na bata si James anak at alam kong maiintindihan niya rin ang ginawa mo balang araw. pagaalo naman ng yaya.
Devs? nagugutom ka ba? tanong ni Fretzie na nakapukaw sa iniisip ng dalaga.
Hindi pa ako gutom bes.
nag uusap ang 3 ng may pumasok at may dala-dalang mga gamot.
Hi Devon kamusta na ang pakiraramdam mo?
Ok naman nurse. sagot ng dalaga sa nurse na kakapasok lng para ihatid ang mga gamot ni Devon.
Heto na ang mga gamot mo Devon, mabuti naman at ok ka. Inihanda ko na ang lahat ng mga kailangan mo dito. At kinausap naman ng nurse sina Brett at Fretzie.
Kayo ba ang nagbabantay ngayon kay Devon? tumango naman ang dalawa.
maya-maya ay papasok si Doc. para icheck ang kalagayan ng pasyente, at saka wag niyong kalimutang painumin siya ng pain reliever after 2 hours. paalala ng Nurse sa dalawa.
At sabay namn na pa OO ang magkaibigan.
wer u? isang text message ang natanggap ni James mula sa kanyang pinsan.
Im on my way. reply naman ng binata.
Kanina lang nalaman ng pinsan niya na narito siya sa LA, nag text kase ang mama niya dito at ipinaalam sa pinsan niya. Kaya nagulat siya ng mag text ito at sabihing magkikita daw sila sa isang coffee bar malapit sa isang Hospital. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang nasasabing Hospital dahil kilala iyon sa buong siyudad.
Habang patungo si James sa lugar na kung saan sila magkikita ng pinsan ay may nahagip ang kanyang paningin na papasok sa Hospital. Ang Coffee bar kung saan sila magkakita ay kaharap lang ng malaking Hospital.
Hindi pwedeng makita niya ang papa ni Devon na pumasok sa loob ng Hospital, Nasa London ito nagtratrabaho. Baka kamukha lang. bulong ni James sa sarili. At pumasok na siya sa loob ng coffee bar at nakita na nga ang pinsan na naghihintay sa kanya.
Cuz! Bati niya sa pinsan sabay halik sa pisngi nito.
James! Wow ang pogi! Bati naman ni Janice.
Si Kazel ay pinsang buo ni James, anak ito ng kapatid ng kanyang ina. Matagal na silang hindi nagkikita, dahil sa L.A ito nagtratrabaho at once lang makauwi sa isang taon.
Kumain ang magpinsan at nagkwentuhan, they’re having a great time. Napag alaman din ni Kazel na nanunuluyan siya sa isang kaibigan. At bago sila maghiwalay ay sinabihan ng dalaga na dalawin siya nito sa Hospital kung saan ito nagtratrabaho. At nangako naman si James.
No comments:
Post a Comment