Thursday, November 18, 2010

CHAPTER 2

It’s Saturday kaya walang pasok si Devon. Kagigising lang nya at lumabas sa terrace ng kanyang kwarto.

Pakisilip nga si mahal. nakangiti nyang sabi sa sarili. Sana nasa terrace din sya.

Ang bahay nina James at Devon ay magkatapat lng. At ang kwarto nila James at Devon ay nasa harapan ng daan. Kaya magkaharap din ang terrace ng kwarto ng dalawa. At doon nya palaging sinisilip ang binata.


James! Tawag ni Devon sa binata sabay kaway. Hi!
Napatingin nman si James sa kanya. What? Inis na sigaw nman nito.

Punta ako dyan sayo. Nagbake si mommy ng chocolate cake, dadalhan kita dyan. Sigaw ulit nya.
No thanks! Huwag knang mag abala pa! at pls. huwag kang pumunta dito at baka ako pa ang mag palabas sayo! banta ni James.
Suplado mo talaga mahal. sagot nman ni Devon ng may ngiti.
Stop it! Hiyaw ni James. You are getting into my nerves, stay away from me!
At pumasok na si James sa loob ng room nya.
Nakatitig parin si Devon sa labas ng room ni James kahit wla na ito.

Ok lng yan Devon, kaya mo nman diba! Kamag-anak ka ni Gabriela Silang! Kaya mo pa yan! Sabi nya sa sarili.

Nang bumaba si Devon para kumain ay napansin agad ng mommy nya na matamlay sya.

Anak, are u not feeling well? Tanong ng mama nya.
Hindi po mommy, ok po ako! Pilit na pinasigla ang boses.
O cya cge kumain kna, at pagkatapos ay dalhin mo ito sa tita Emily mo. Bilin ng Mommy nya sabay abot ng isang Tupperware na ulam.

Si Tita Emily ni Devon ay ang mama ni James. Pagkarinig ng bilin ng mommy nya ay bigla sya sumigla.
Opo mom,at your service. biro pa nya.
Napangiti lng ang mama nya.


Dali-daling tinapos ni Devon ang pagkain. Pagkatapos ay tinungo ang bahay ng mga Grant. Nadatnan ni Devon ang mama ni James sa labas ng bahay na nandidlig ng mga alaga nitong orchids.

Hi po Tita Ems! Sabay halik sa pisngi ng mama ni James.
O iha, what brought you here? Nice to see you! Busy ba sa school at ngaun knalng nkadalaw sa akin?
Opo Tita, marami kase tlagang dapat tapusin lalo na at malapit na ang katapusan. sagot nya.
Ganun ba, mabuti’t nkadalaw ka. Hala tara at pasok tayo. Anu ba ang dala-dala mo? tanong ng Ginang.
Ah heto po Tita luto ni mommy, nilagang baka.
Wow ang sarap, paborito ito ni James. Salamat iha, sabihin mo sa mommy mo. bilin nito.
Opo.

Pababa si James ng hagdanan nang tawagin sya.


Anak, halika at narito si Devon. Nagpadala ang Tita Rose mo ng linagang baka, paborito mo to. Sabi ng mama nito.
Ma, later nlng po at may lakad po ako. sagot nito ng di pinapansin si Devon. Naiinis sya dahil bakit magaan ang loob ng mama nya dito kahit noon pang maga bata pa sila. Lagi nlng itong masaya if Devon is around, lalo na ang Daddy nya.

They’re ridiculous. bulong ng isip nya.
Where are you going iho? Tanong ng Ginang.
I’ll visit Anne mama. Sinadyang iparinig kay Devon. Habang si Devon nman ay nag bingibingihan sa narinig.

Ouch! Sakit. sabi nya sa sarili.

OK, just be here before 5pm. Bilin ng mommy nito.
Yup. Sagot nito sabay halik sa pisngi ng mama nya at tumalikod ng di nagpapaalam kay Devon, ng biglang humarap ito at tinawag ang panagalan nya. Habang si Devon ay parang nakarinig ng musika……

Devon! sigaw ni James.
Tell Tita, thank you! sa mahinang boses nasabi ni James.
Hindi na hinintay ni James na makasagot sya. Derederetso na itong lumabas ng bahay.
Suplado talaga, pero love ko parin. Sabi ng isip nya.

No comments:

Post a Comment