Thursday, November 18, 2010

CHAPTER 10

Devon anak! Pls hold on! Darating pa si papa…anak wag muna anak, maawa ka. Halos nagsisigaw na sa iyak ang mama ni Devon.

Lahat ng na sa hospital room na iyon ay hindi mawari ang gagawin. Devon’s heartbeat is not stable. At nag aalala na ang lahat ng naroon.

Rose! Lumingon ang lahat sa nagsalita.
Rudy, patakbong niyakap ni Rose ang asawa. What took you so long? Ang anak natin…..napaiyak na sabi ng ginang.
Inakap naman Ni Rudy ang asawa. Nang mapadako ang tingin niya sa kanyang anak ay parang humina ang tuhod niya. Ang napakabait at masayahin niyang anak, nakahiga, puno ng ibat-ibang apparatus sa katawan. She looks so pale, so thin at parang wala ng buhay. Parang tumindig ang balahibo niya pagkakita sa dinadanas ng anak. Bumababa tumatas ang dibdib nito, na ktang kita kung paano nitong nilalabanan ang sakit.

Yes Devon has a Congestive Heart Failure. Her heart is too weak to pump enough blood to get oxygen. Her heart is working but not working good enough. And the only cure for heart failure is to have a heart transplant. At kung hindi ito maagapan, she could die. Sigaw ng isip ng papa ni Devon.

Agad namang nilapitan ng Ginoo ang anak na kasalukuyan ng mahinahon at nasa husto ng paghinga.

Kailangan kong maging matatag, ako ang sandigan ng aking pamilya. For almost 13 years siyang nasa ibang bansa para kumita ng malaking pera para sa mag anak niya, ni hindi nya man lang nakitang lumaki ang nag iisa niyang anak. And now Devon is on her bed, the bed of death. Ayaw man tanggaping ng puso niya na kahit anong oras ay pwede ng kunin ng Maykapal ang anak, kailangan niyang maging matapang at wag mamalan ng pag asa. Ang anak ko ang dahilan para magpursige ako sa buhay. Siya ang pag asa ko at ayaw kong mawala iyon. Sabi niya sa sarili.

Ma, kailangan ng makakita ng donor. Sabi ng Ginoo sa asawa.
Sabi nga ng Doctor, hindi madaling makakita ng Donor ng puso. Kailangan kasing healthy and donor at namatay dahil sa aksidente. At kailangan ding pumayag ang mga kamag anak na idonate ang puso ng namatay. Mahabang paliwanag ni Rose sa asawa.


James tried to call Brett ng…
Hello? Brett’s voice over the phone.
Brett! Good you’ve got your number working here in L.A! agad namang sagot ni James.
Are you here in L.A, and what are you doing here?
I need to see someone! I’m here in the Airport, pick me up please.
Para namang nataranta ang binata sa kabilang linya.


Fretz what will I do? James is here! Nataranta na si Brett. At ganoon din si Fretzie.
Brett ano ang gagawin natin, bakit kaya nandito siya? Alam na kaya niya?
Ok, I’ll pick him up na, at iuuwi ko siya sa bahay . At sana di pa niya alam ang tungkol dito.
Brett? You’ve promised me…paalala ni Fretzie sa binata.
Hinawakan naman ni Brett ang dalaga ang he assured Fretzie that he will keep his promise.


AIRPORT:


Palabas na si James sa exit ng Airport, dala-dala ang di kalakihang maleta ng mahagip ng tingin niya ang kaibigan.
Thanks Pare! Sabi niya sa binata. Bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ba ako welcome dito? Nagtatampo ang tinig ni James.
Hindi naman sa ganun, kasi hindi mo man lang sinabi na papunta ka dito ngayon. Paliwanag naman ni Brett.
Where’s Fretzie? Di mo ba siya sinama? Sinusubukan ni James na hulihin ang kaibigan, alam niyang may tinatago ito.
Fretzie? Andito rin ba siya? Patay malisyang tanong ni Brett.
Hindi na nagsalita pa si James. Malalaman ko rin sa takdang panahon ang secrets ninyo. I will make a way to find out, and that’s the reason why I’m here in the 1st place. Determinadong bulong ni James sa sarili.

No comments:

Post a Comment