Thursday, December 16, 2010

CHAPTER 17

I'm sorry James...ulit ng dalaga. Sorry dahil sumuko ako sa pagmamahal sayo.
And now, James could'nt speak anymore, hindi niya alam ang gagawin. Tuluyan na nga siyang kinalimutan ng dalaga. Gusto niyang magmakaawa dito, luluhod siya kung kailangan ibalik lang nito ang dating pagtingin sa kanya. He reserved his breath so that he could speak, when Devon speaks again...

kahit kailan ay hindi ka nawala sa puso ko James, paulit ulit man nilang palitan ito...dahil hindi lang ang puso ko ang nagmamahal sayo, kundi ang buo kong pagkatao ..Kahit ano pa ang pagdedeny, hindi ko maloloko ang sarili ko James.
Sumuko ako minsan,dahil I thought yon ang gusto mo, but now that I know you love me, I've even love you more..At marahan siya nitong niyakap. Promise me James that you will bring my life back...

Oh my God Devon, you made me crazy! I thought you totally...oh..akala ko hindi mo na talaga ako mahal. at nakatawa na ang binata habang yakap-yakap ang dalaga. Mahal na mahal kita Devs..so much! sabay halik sa noo ng dalaga. And I promise you that I will live for you forever...I'll love you more than my life itself...

Mahal din kita James, mula noon hanggang ngayon! at niyakap din ang binata.And I will love you more than forever! They hugged tightly ang let their hearts beat as one. Matagal sila sa ganoong ayos.

Tumila na ang ulan James! I need to go home, paalam ni Devon.
Ok I'll let you go muna for you to rest, and James lips touched hers. Mahal kita gel!
Gel? nangngiting tanong ng dalaga dito.
Gel because you're my angel! seryoso nitong tugon.
Ok Gel, matulog ka na rin at mahal din kita. at tumakbo na palabas ang dalaga patungo sa kanilang bahay.
I'll call you later! pahabol ng binata, and Devon nodded.

That was the start of a new life for Devon and James. Palagi silang magkasama, halos araw-araw nasa bahay ng dalaga si James, o the other way around. Kung wala sila sa bahay ay namamasyal sila kahit saan. Matuling lumipas ang mga araw at dumating na nga ang pinaka inaasa asam na araw ng bawat isa...New Year!

Halos busy ang lahat ng tao, habang sina James at Devon ay busy rin sa paglalambingan. Nasa labas sila ng bahay at nakaupo sa isang bench na nasa gilid ng gate nina Devon, habang nakikinig ng isang napakagandang musika gamit ang ipod ng binata.

Before I let you go...the song that touches their hearts...

Everytime I hear this song it breaks my heart. pahayag ng binata.
Why gel? nag alalang tanong ng dalaga.
Because I remember the time I'd hurt you.
You'd hurt me James, but that was all in the past now..Ako everytime I hear this song it makes my heart beats so fast..pahayag naman ng dalaga.
why?
because I remember that night when I told you I love you!
Ikaw talaga nakakalurky ka! sabi ng binata sabay kiliti dito.
Ha! kainis ka talaga! alam mo namang wekness kong kilitiin eh..at sabay hampas ng napakalakas sa braso ng binata.
Ouch! until now, ang bigat ng kamay mo gel! at napatawa ng malakas. pikon ka talaga!
Eh ikaw? nakangusong tugon ng dalaga.
Hindi no, kahit hampasin mo pa ako always, hindi ako mapipikon sayo. Hali ka nga dito at ng mayakap kita.
And they hug tightly..the power hug is back :)


Nagsisimula nang magpaputok ang mga tao, lahat ay nagkakasayahan ng sumapit ang gabi ng New Year's eve. Dahil nakaugalian na ng mga Pilipino na kapag sumapit ang bagong taon, kailangang nasa bahay lang hindi nakicelebrate sina Devon kina James.Kaya pagkatapos ng hapunan ay lumabas si Devon ng bahay kahit medyo natatakot sa mga papautok upang puntahan ang nobyo. Gusto niya itong igreet ng personal kahit na kanina ay haos buong araw niya itong kausap sa phone. May dala-dala siyang regalo para dito, her christmas present.Hindi niya nabigyan ng regalo ang binata noong pasko kasi natatakot siyang hindi iyon tatanggapin ng binata dahil nagalit ito sa kanya. But to her shocked, binigyan siya ng binata ng isang napagandang regalo on the following day. Isa iyong diamond earrings na alam na alam nitong gustong-gusto niya. Sabi ng binata, binili pa raw nito iyon sa Australia. Naalala parin pala nito ang pangako noon sa kanya ng mga bata pa sila.

I promised to buy you earrings when I I'll receive my first salary.
Talaga? eh matagal pa yon eh..you're only 7
I'll keep my promise. My promise is sacred.
weh di nga!



Papasok na si Devon nang makita si James na papuntang likod bahay, patungo sa kanilang kubo. Agad-agad naman niyang sinundan ang binata.Tatawagin na sana niya ito ng mahagip ng kanyang mata ang napakagandang babae na sumalubong dito at yumakap kay James. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdam, parang may kutsilyong humihiwa sa kanyang didbdib. Gusto niyang lumayo at umalis sa lugar na iyon, ngunit parang may pumipigil sa kanya.Hindi siya makapaniwala sa nakikita, she's sure enough na hindi nito pinsan ang kasama. May hindi ba sinasabi si James sa kanya? Nang aktong aalis na siya doon ay may biglang nagsalita sa likuran niya.

Devon! Happy New year! bati ng mama ni James.
Tita? parang hindi na lumabas ang boses ng dalaga. Happy New Year po, nauutal nitong bati sa Ginang.
James! Devon is here! agad namang kumawala ang binata sa babaeng nakayakap dito at parang taranta na lumapit sa kanya.
Devon? sa nag aalalang tinig, Gel? may sasabihin ako sayo.
Is there something going on here James? kinakabahang tanong ng dalaga. Habang ang ginang naman ay naguguluhan din sa mga nangyayari, Ngunit nakamasid lamang.

Hi! bati ng babae, so you're Devon?
Ah eh..yes....
So you're the one. pangiinsulto nito. Ikaw pala ang nangagaw ng boyfriend?

Kyra! saway ng binata.

You bitch! you stole my boyfriend. sigaw nito.

Friday, November 19, 2010

CHAPTER 16

Natapos ang gabi ng pasko na di na ulit sila nagkausap. Magkasalo sila sa hapagkainan ngunit di man lang kumikibo si James, habang siya naman ay nakayuko lang. hindi man lang sila napansin ng mga magulang dahil busy rin ang mga ito sa pagkwekwentuhan. Nang magpaalam siya sa mga magulang ng binata para umuwi na ay hindi na niya ito nasilayan pa, baka umakyat na sa kwarto nito. Malungkot na umuwi siya ng bahay, at ngayon hindi parin siya makatulog sa pag iisip sa binata.
Iniisip din ba niya ako? sigaw ng isip niya.

Habang si James ay hindi alam ang gagawin, hindi siya makatulog.

She's more beautiful now. sigaw ng isip ng binata.

Sa malalim na pagiisip ang binata ng mapukaw ang kanyang pansin ng biglang nag ring ang kanyang telepono. Para saguting iyon ay lumabas ang binata at tinungo ang kanyang terasa.

Why didnt you even greet me, Merry Christmas? tanong ng nasa kabilang linya.

Napagpasyahan ni Devon na lumabas ng kwarto at magpahangin sa terasa hawak-hawak ang kanyang telepono,habang nakikinig siya ng paliwanag sa kausap kung bakit di man lang siya nito tinawagan para magreet ng Merry christmas.

I'm sorry about that, I was busy preparing for Christmas. paliwanag ng binata sa kausap.

Is it the only excuse you have in mind Mr. Reid? sigaw ng nasa kabilang linya. Can you choose the best alibi instead? pang iinsulto nito sa kanya.

Nangingiti si Devon sa kausap dahil hindi man lang ito makahanap ng papatok na alibi sa kanya. Alam niya na nahihirapan itong magpaliwanag.

Ok Fretz no need to explain, I understand! pinag tritripan lang kita at tumawa na ng malakas ang dalaga sa kabilang linya.

I'm sorry,iyon lang at ibinaba na ni James ang telepono. Hindi niya maintindihan kung bakit lately, her girlfriend is so unpredictable. Bago siya umalis ay hindi man lang nagpakita ang babae sa kanya. At ngayon ay tatawag ito at sigawan siya.

Naiinis na napasuntok siya sa hangin at napatitig sa kawalan ng biglang dumapo ang kanyang paningin sa kabilang terasa. And he saw her.... kasalukuyang tumatawa ang dalaga habang may kausap sa kabilang linya, he could not hear what she's saying. para itong kilig na kilig sa kausap. Nobyo kaya niya? tanong ni James sa sarili. Bakit kung sakali mang may boyfriend na ito bakit para siyang nasasaktan na?

Tumatawa na ng malakas si Devon dahil sa kwento ng kanyang kaibigan sa kabilang linya, nang may napansin siyang anino sa kanyang harapan. Nang mapagsino niya ang nasa kabilang tersa ay biglang umapaw ang saya sa kanyang dibdib. She saw him, at nakatitig din ito sa kanya. And he slowly smiled at her and she smiled back.At parang hindi na mawawala pa ang ngiti sa kanya-kanyang labi.

Devs? can you still go out?sigaw ng binata
ha? kinakabahan man ang dalaga ay agad naman siyang sumagot ng "OO" dito. at dali-daling bumaba ang dalawa, at sabay na lumabas. Hindi alam ng dalawa ang gagawin o ano man ang sasabihin kaya sabay silang nagsalita.

I'm sorry, ladies first. sabi ng binata.
No, you go first I'm sorry. sagot ng dalaga.
I'm sorry Devon sabay hawak sa mga kamay ng dalaga. Sorry at hindi man lang tayo nagkaroon ng mahabang panahon to talk.
I miss you! mahina nitong tugon.
Ha? parang di alam ni Devon ang isasagot sa sinabi nito
Can I hug you Devs? for old time sake?
At di na nga napigilan ng dalagang maiyak sa sinabi nito. Oh, God knows how she missed James. Kung gaano niya hinintay ang mga sandaling ito. And she slowly step forward to James.
James? ang tanging nasambit ng dalaga, at di na napigilan pang humikbi.
Devon pls don't cry. At tuluyan ng niyakap ng binata ang dalaga. At hindi na rin napigilang umagos ang mga luha sa mga mata nito and the rain starts to fall....hindi para makipagdalamhati kundi para magsaya.

hala umulan! sigaw ng dalawa..patakbong pinasok ni James ang bahay nila habang hawak-hawak ang dalaga. Tinungo nila ang isang bahay-kubo na nasa gitna ng hardin. Bago pman tuluyang bumagsak ang malakas na ulan ay nakapasok na sila ng kubo at sabay na nagtawanan.

ah bakit masama ang panahon ngayong pasko? naitanong ng dalaga.
Habang si James naman ay nakatitig lang sa mga mata nito..
what? bakit ka nakatitig? parang nahihiyang hinampas ng dalaga si James.
Ouch! it hurts! napangiwi sa sakit ang binata. At hindi naman nakatiis si Devon kundi ang haplusin ang braso nito..and James pulled her closer and hugged her tightly.

I love you Devs, naluluhang bulong ng binata. At agad namang kumawala ang dalaga at pinagmasdan ng mabuti si James.. At nakikita niya ang bakas ng katotohanan sa mga sinabi nito at ang luhang unti-unting namumuo sa mga mata nito.

And pls forgive me for causing you so much pain.dagdag nito.
James? pls don't tell me that you love me, wag mo akong paasahin sa bagay na di mo kayang ibigay.
Who told you that? I've been loving you for so long,mas matagal pa kaysa sa pagmamahal mo noon sa akin Devon. I have loved you first and I knew it, ngayon tinatanggap ko na mas nauna kitang minahal. But I was a coward back then, hindi ko masabi sayo o matanggap man lang sa sarili ko that I am falling inlove with the very first girl I met. And I am still inlove with the same girl even though she broke my heart 9 years ago.

9 years ago? nagtatakang tanong ng dalaga.

Yeah, I was hurt ng malaman kong sinagot mo si Patrick at naging boyfriend mo siya. And then may nagsabi sa akin that Carson was your boyfriend too. I did'nt know what to do that time so I chose to stay away from you..

At ako naman ay parang tanga na lapit ng lapit sayo? ganoon? And excuse me James, hindi ko naging boyfriend si Parick and even Carson. At sino ba ang nagsabi sayo niyan? puno ng hinanakit na tanong ng dalaga.

Patrick. maikling sagot ng binata.
You believed him? hindi makapaniwalang tanong ni Devon. All this time we are suffering dahil lang sa maling akala! sigaw ng dalaga.

Shhh...pls baka marinig tayo nina mama...Hindi ba totoo?

No! I was hurt when I heard that you and Tricia were dating so I made my move, I told Tricia that your feet is so mabaho. And I won, because she never came closer to you since then. At buong akala ko all these years you hate me because of it. And I was wrong!

Bakit hindi mo sinabi sa akin noon James? sana hindi na ako pumunta ng London sana walang nasayang na pitong taon. maluha luha na ang dalaga. She couldn't believe all of these..pinaglalaruan ba sila?

Because you told me that you don't love me anymore, and I know how much you hate me because of what I did. But I was hurting too Devs, para akong mababaliw sa kahahanap sayo to say sorry. Tinago nina Brett at Fretzie ang lahat pati na ni Yaya Lyds. ayaw nilang makita kita. I'd hated them but I realized that they just want to protect you from me, sa lahat ng mga pananakit ko sayo.At nang makita kita na nasa hospital, puno ng ibat-ibang aparratus sa katawan, I wanted to scream. I want to hug you and to let you know how afraid I am to loose you..if pwede pa lang na ako na lang ang mag dodonate ng puso sayo just for you to live!
I thought you don't like me James, sabi mo nga you will never fall in love with me because I'm a bitch...nothing but a bitch..
Yeah that's right I will never fall inlove with a bitch, and I'm not, because you're not a bitch Devs, I know your not!
I'm sorry, I did not intend to say that harsh words to you Devs..and God knows how sorry I am dahil sa mga masasakit na sinabi ko sayo. Mapapatawad mo pa ba ako? kaya mo pa ba akong mahalin muli? umiiyak na tanong ng binata.
Devon slowly cupped Jame’s face. And looked into his eyes. And slowly answered Jame’s question.
I’m sorry James….

Thursday, November 18, 2010

CHAPTER 15

Kasalukuyang namamahinga ang binata, pagod na pagod siya sa biyahe. Nakatulog na nga siya buong maghapon at ngayon na kagigising lang niya ay wala siyang planong bumaba. Napagpasyahan niyang lumabas ng kwarto at magtungo sa kanyang terrace.
Kakagising lang ng dalaga at parang naiinitan kaya napagpasyahan niyang tunguhin ang terasa. Palabas na ang dalaga ng magkatinginan sila ng binata sa kaharap na bahay. Si James! Sigaw ng puso niya. Kahit kailan hindi nawaglit sa isipan ni Devon ang lalaki. It’s been a while ng hindi sila nagkita, pero bakit nasaksaktan parin siya kapag naalala ang nakaraan.
Nakatingin parin si James sa dalagang agad nagbawi ng tingin. Bigla parang sasabog ang puso niya, gusto niya itong yakapin. Miss na miss niya ang dalaga. Pero hindi na kagaya ng dati ang lahat, kahit ano ang gawin niya ay hindi na mababalik ang dati. Devon hates him, at sobra niya itong pinagsisihan. Kung hindi ba naman siya gago at manhid noon, disin sanay mahal parin siya ng dalaga hanggang ngayon. Sa lalim ng iniisip ng binata ng muling pagmulat ng kanyang mata, hindi na niya nakita ang dalaga..nanlulumong pumasok ang binata sa loob ng kwarto niya.
Noong una siyang umuwi sa Pilipinas ang dalaga ang pinakauna niyang naging kaibigan. At dahil matanda siya ng isang taon dito, siya ang nagtayong kuya para kay Devon. He was her protector, if merong nag aaway dito siya ang nakakalaban. Pero ang lahat ng masasayang pangyayri sa kanilang pagkakaibigan ay biglang naglaho ng isang araw nalaman niyang sinagot nito ang mortal niyang kaaway, si Patrick. Akala ni Devon noon ang dahilan kung bakit siya lumayo dito ay dahil nagalit siyang ipinagkalat nito na mabaho ang kanyang paa. Hindi man lang siya naapektuhan ng kwento na gawa gwa lang ng dalaga. Kundi dahil pumatol ito kay Patrick kahit alam naman nito na playboy ang lalaki. Pagkatapos ni Patrick ay ang kaklase naman nitong si Carson ang naging boypren nito. At doon siya labis na nasaktan. Nang lumalayo na siya sa dalaga noon, ito naman ang lapit ng lapit. Literal siya nitong nililigawan. At lalo siyang nainis dito, dahil di man lang nito pinapahalagahan ang sarili sa sasabihin ng iba. Nang magkasakit ang dalaga noon niya lang napagtanto na noon pa niya lihim na minamahal ang dalaga mula ng una niya itong makita. Akala niya noon tuluyan na itong mawawala sa kanya. Halos mabaliw siya sa kahahanap sa dalaga. Sa sobrang pag iisip ng binata, dinalaw ulit siya ng antok.
SASAPIT NA ANG PASKO:
Lahat ay nagsipaghanda na para sa Noche Buena. Ang mama ni James ay busy na sa pagluluto ng masasarap na ulam para mamayang hating gabi.
Ma? Bakit naman ang rami niyong niluto eh 3 lang naman tayo dito sa bahay. Pinauwi na muna nila ang kanilang dalawang kasambahay para macelebrate ng mga ito ang pasko kasama ng kanilang pamilya.
Pupunta dito sina Devon, dito sila mag nonoche Buena kasama natin, e 3 rin sila doon mas mabuti at marami tayo mas Masaya! Excited na tugon ng mama niya.
Hindi naman napigilan ni James na madaliin ang oras. Siguro heto na ang pagkakataong hinihintay ko para makausap ulit ang dalaga. Bulong ng isisp niya.
Habang sa kabilang bahay ay busy din ang mag anak. Tinutulungan ng mag ama si Rose sa pagluto para dalhin mamaya sa kabilang bahay. Nang malaman ni Devon na doon nila icecelebrate ang pasko ay hindi niya mawari ang nararamdaman. Naeexcite siya hindi dahil magpapasko na kundi dahil mapapalapit sila ulit ng binata. Nakalimutan na ba niya ang galit nito?
Papasok na sina Devon at ang mga magulang nito sa bahay nina James. Kinakabahan ang dalaga at the same time excited sa muli nilang pagkikita ng binata. Pagkapasok pa lng ang nakita na niya ang mama nito, agad naman siyang humalik sa pisngi nito ganun na rin sa papa ni James. lahat ay masaya, kanya-kanyang kwentuhan, samantalang siya ay hindi mapakali. nais sana niyang tanungin kung nasaan ang binata. baka umalis ito dahil ayaw siyang makita. pero she doesn't have the courage to ask, nahihiya siya. habang masayang nagkwekwentuhan ang mga magulang niya at ang mga magulang ng binata, napagpasyahan ng dalaga na lumabas muna ang tunguhin ang garden ng kanyang Tita Emily. habang pinagmamasdan ang mga magangandang orkidyas na alaga nito ay may gumuhit na sakit sa kanyang puso. She remebered James, lahat ng mga nangyari noon. masasaya man o malulungkot. One thing she could not deny, she deeply misses James. At lahat ng mga naiwan nitong alalala 7 years ago ay nakakapagbigay ng kahungkagan. if she could bring back the old days, when she first met the guy who stole her heart. Sana di niya naisipang gawin ang kalokohan na sumira sa kanilang magandang samahan noon. Sana...kahit pagkakaibigan man lang ang mayroon sila ngayon...She is reminiscing the past ng may biglang tumikhim sa kanyang likuran...at dahan-dahan siyang lumingon. nakita niya ang binata na kanina pa tumatakbo sa kanyang isipan.

Hi! malamig na bati nito sa kanya. kamusta ang London?
Hello! she sounded nervous. Ok naman.

Dahan-dahang lumapit ang binata sa dalaga at hinawakan ang kanyang mga kamay. lalo naman siyang ninerbyos sa akto ng binata. gusto sana niyang bawiin ang kanyang mga kamay pero wala siyang lakas na gawin iyon. she couldn't deny the sensation she feels. mahal parin pala niya ang binata hanggang ngayon after all that happened before.

I've been waiting for this day to come Devon. tugon ng binata na nakapukaw sa malalim na pagiisip ng dalaga.

Hindi nakasagot ang dalaga at nakatitig lamang sa mga mata ni James, its dark...at may nakta siyang kumikislap sa mga mata nito. Pero bago pman niya matitigan iyon ng maigi ay agad itong tumalikod. Luha kaya iyon? tanong ng isip ng dalaga.

Come on inside Devon. aya nito.
For a moment ay hindi gumalaw ang dalaga, and then now she's following behind James.

Nang makapasok si James sa loob ng bahay ay deredretso itong umakyat sa itaas ng kanyang kwarto.

Sh*t! mura ng binata sa sarili. Why am I still affected!?, bakit ba hanggang ngayon I'm still expecting something from the past. I want her to love me again the same way she used to. Sana…….

CHAPTER 14

Wow! Ikaw ba talaga ang gumawa niyan Bes? Gandang ganda si Devon sa ipininta ng kaibigan. Isa itong napakagandang bahay sa gitna ng parang na pinapalibutan ng magagandang bulaklak…sa kanang bahagi ng parang ay may isang batis na kumikinang ang tubig. Naabot ni Fretzie ang pangarap nitong maging pintor. Noong mga bata pa sila ay ipinangako nilang dalawa na aabutin ang kanilang pangarap, at nagawa nila.
Alam mo ba kung ano ito Bes? Tanong ng kanyang kaibigan. Naalala mo ba noon ng maliliit pa tayo, tulad nito ang gusto nating dream house? Malayo sa siyudad, walang polusyon at tahimik. Napaligiran ng mga magagandang bulaklak, malapit sa batis at siyempre magkapitbahay tayo! Hahahaha…sabay silang natawang magkaibigan.
Alam mo Fretz na miss talaga kita! Kamusta na pala kayo ni Brett? Oi….tudyo ng dalaga.
Buang! Sabay kurot sa dalaga. Hahaha…Ok na ok kami syempre, dahil sayo!
Talaga lang ha! At nagharutan na ang dalawa.
Naiinip na si James sa kahihintay ng kanyang mga magulang. Habang nakikinig ng musika gamit ang kanyang Ipod ay nilibot niya muna ang buong Airport habang wala pa ang mga magulang.
It’s been 7 long years! It’s nice to be back home! Hindi mapigilang maalala ng binata ang mga nangyari noon na naging dahilan ng kanyang pag alis.
Baliktanaw:
Dinalaw ni James si Devon right after the operation. Kagigising lang ng dalawa ng may pumasok na di inaasahang bisita.
Nakayuko si James habang papalapit sa kama ni Devon, kinakbbahan siya ng di mawari.
Bakit ka nandito, tanong ng dalaga sa walang kabuhay buhay na tono.
Matagal pa bago makasagot si James, di niya alam ang sasabihin sa dalaga.
Why are you here?tanong ulit ng dalaga.
Dahan dahan namang inabot ni James ang dala-dala niyang isang basket ng ibat-ibang prutas.sa dalaga. Para sayo Devs.
Salamat, halos bulong na pasalamat ni Devon. Nag abala ka pa.
Walang ano man, Dev’s mmmmmmmmm.. I am sorry for what happened Devs.
Hindi man lang umimik ang dalaga…
Pls say something Devs, hindi ko sinasadyang saktan ka.
Let us forget about everything that happened in the past James. Nakaraan na yon.
I want to make it up to you Devs. Gusto kong ibalik ang dati nating pagkakaibigan.
We could not bring back the past James. And you don’t need to.
I’m sorry Devs, kung alam mo lang kung paano ko pinagsisishan ang mga masasamang nasabi ko.
Wag mo akong kaawaan James, I don’t need it. Puno na ng hinanakit ang boses ng dalaga. Alam mo bang pinagsisihihan ko rin ang mga nangyari..lalo na ng makilala kita? I’m sorry James, hindi ko kailangan ang awa mo. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong magustuhan ako dahil naawa ka sa akin,dahil tanggap ko nang hindi mangyayari iyon kahit kailan.

Devon I’m sorry, I don’t pity you, kung ano man ang nakikita mo o ano man ang ginagawa ko for you, hindi ko pinipilit ang sarili kong gawin iyon, kusa kong ginagawa.

Hindi na kita mahal James, pinalitan na ang puso ko remember? Ng nawala ang puso ko at ng pinalitan ng bago, kasama ng nawala ang pag ibig ko sayo!

Why are you doing this Devon? hindi ako naniniwala sa iyo!
Pwes maniwala ka James dahil lahat ng sinabi ko ay totoo! Hindi na ako hibang ngayon sayo, wala na ang dating Devon na nakilala at sinaktan mo.

At dali-daling tumalikod na ang dalaga para maitago ang tunay na nararamdaman….hindi mapigilang pumatak ang mga luha ng dalawang taong parehong nasasaktan.

Iyon na ang huling pagkikita ng dalawa. Umalis si James papuntang Australia, at siya naman ay sinama ng mga magulang papuntang London para magpagaling.

CHAPTER 13

Hindi makapaniwala ang binata sa kanyang nakikita. Si Devon nakahiga sa kama at parang hindi na humihinga. Hindi napigilan ni James na lapitan ang natutulog na dalaga at hawakan ang pisngi nito. She’s so pale, para na itong tingting sa sobrang payat. Ano ang nangyari sa kanya? Sigaw ng isip ni James. Ito ba ang tinatago sa kanya ng kaibigan? Parang naluluhang saad nito sa sarili.
Habang si Fretzie naman ay nakamasid lang sa binata, gayun din si Brett na nagising dahil sa yugyog ni Fretzie sa kanyang balikat. Laking gulat nito ng makita ang kaibigan sa tabi ng natutulog na si Devon. Hindi alam ng dalawa ang gagawin, papalabasin ba nila si James o hayaan nila itong lumapit sa dalaga?

Hindi alam ng tatlo ang gagawin, walang isa man ang nais maunang magsalita. Nang hindi makatiis si James….

What happened to Devon? tanong ng binata?
She has a congestive heart failure, deretsong sagot ni Brett.
Parang nanlulumong napaupo si James sa upuan na katabi ng kama ni Devon. Hindi siya makapaniwala sa mga nalalaman niya ngayon.
Imposible! Malakas si Devon, ni minsan hindi ko siya nakitang nanghihina. Dugtong ni James.
Kasi manhid ka! Hindi naman mapigilang sabihin ni Fretzie mabuti na lang at hindi narinig iyon ng binata. Malaki ang hinanakit ng dalaga kay James. Mula ng saktan nito ang kaibigan, itinuring na niya itong mortal na kaaway, at ano ang ginagawa nito ngayon. Bakit nandito siya, para ano? Para saktan na naman ang damdamin ng kaibigan ko? naghihimagsik ang kaloobang pahayag ni Fretzie sa sarili. Don’t you dare James!

Natapos ang gabing iyon na hindi nagpapansinan ang tatlo. Sina Fretzie at Brett ay nakatulog sa sobrang pagod habang si James naman ay tahimik na binabantayan si Devon. Awang awa siya sa dalaga. Napakabata pa nito para magkaroon ng malubhang sakit.

Naalimpungatan si James ng biglang may gumalaw sa ibabaw ng kama. Pagmulat ng kanyang mga mata nakita niya si Devon na parang mawawalan ng hangin kahit naka oxygen ito. Inaatake na naman ang dalaga. Hindi alam ni James ang gagawin, natataranta na siya sa sobrang takot sa ano mang mangyari sa dalaga.

Nurse! Nurse! Tulong!
Nagising naman sina Brett at Fretzie sa sigaw ni James at nataranta rin. Halos putlang-putla na si Devon, parang wala ng dugong umaagos sa katawan nito…parang kahit anong oras maari itong mawala. Hindi na hinintay ni James ang nurse ito na mismo ang lumabas para tawagin kung sino man ang pwedeng tumulong sa kanila.

James? Ano ang ginagaw mo sa kwarto ni Devon?
Cuz? Tulong si Devon inaatake! At dali-daling pumasok ang nurse para matingnan ang dalaga, at agad ding lumabas para tawagin ang Doctor nito.

Kinansela ang dapat sanay gagawing operasyon ni Devon, dahil narin sa atake nito. Kailangang ikondisyon na muna ang katawan ng dalaga para manumbalik ang lakas nito at maging successful ang gagawing operasyon. Nanlumo naman ang lahat dahil sa balita ng Doctor. According to the Doctor, they need to wait for another 2 days again to do the operation. So they just prayed na sana ay di na atakehin pa si Devon habang hinihintay ang araw na iyon. Labis na silang nag aalala dahil sabi na rin ng mga dalubhasa, 1 month pang hindi siya maooperahan ay baka tuluyan ng mawala ang dalaga.

Makalipas ang 7 taon:

Papasok na ng sementeryo sina Rudy at Rose,pitong taong anibersaryo ng pagkamatay ng isa sa pinakamamamahal nila sa buhay. Kakauwi lang nila sa Pilipinas galing London. Pagkatapos ng mga masasamang nangyari sa kanilang pamilya ay napagpasyahan nilang doon na manirahan para malimutan ang masasakit na nangyari noon at para narin magkasama silang mag asawa.
It's been a while Pa, hanggang nagyon ay nasasaktan pa rin ako tuwing maalala ang mga nangyari noon. malungkot na saad ng Ginang habang nakatitig sa libingan ng yumao.
It's time to move on Ma, matagal ng lumipas ang panahon. It's been 7 years. pahayag naman ng asawa.
Pero hindi pa rin napigilang lumuha ng ginang.
Pagkatapos pumunta ng mag asawa sa sementeryo ay agad silang nagtungo sa isang Mall para kumain sa isang Restaurant doon.
Asan kana? nandito na kami sa tagpuan..
I'm on my way, please wait. sagot sa kabilang linya.
Kumakain na ang mag asawa ng may biglang dumating at niyakap ang dalawa. Mum, Dad! bati ng dalaga.
Devon! nasasayahang bati naman ng mga ito. Akala namin ng daddy mo ay matatagalan ka pa, kaya nauna na kaming kumain.
Ok lang po dad.Busog po ako, nakikain ako kina Fretzie eh..nakangiting sagot ng dalaga.
Kagagaling lang ni Devon mula London, naunang umuwi ang kanyang mga magulang para umatend sa ikapitong anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang Yaya Lyds. Namatay ang kanyang butihing yaya ng sumabog ang sinasakyan nitong eroplano papuntang L.A 7 years ago, sa araw ng kanyang Heart operation. Hindi nila nakita ang bangkay ng matanda, ngunit isang gabi ng nasa London sila ay nakatanggap ng tawag ang kanyang mama na natagpuan na raw ang katawan ng kanyang yaya na matagal na nilang hinahanap, kasama ang lahat ng nagpapatunay na ito nga taong hinahanap nila. Hindi man makapaniwala sa trahedyang nangyari ay wala silang choice kundi ang tanggapin ito ng bukal sa loob. Naisip nga nila na ang kapalit ng paggaling ni Devon ay ang buhay ng kanyang mahal na yaya. But everyone should move on, and they are all facing the good sides of life now. Nakagraduate na si Devon from College, at isa na siyang ganap na Architect ngayon. Nahuli siyang bumiyahe dahil tinapos pa niya ang kanyang pagdidisenyo sa bahay ng kanyang kaibigan sa London.
Trina, where's my coffee?! sigaw ng binata
ah..po..ah..andito po Sir James, heto na po ang kape ninyo. at natatarantang inilapag ng sekretarya sa mesa ang kape ng kanyang Boss. Para atang wala na naman ito sa mood. Nag away na naman siguro ang amo at ang nobya nito. bulong ng isip ng sekretarya. Hindi na pinansin ni Trina ang nag ngingitngit na amo, bumalik na ito sa kanyang pwesto para umpisahan ang kanyang mga paper works sa araw na iyon.
Trina do you know what's the meaning of "one word is enough for a wise man?" biglang tawag ng binata.
Napalingon naman ang dalaga sa sinabi ng Boss dahil sa nang iinsulto nitong tugon. Pero binalewala na lng ito ng sekretarya. Kahit kailan ay mainit ang ulo ng Boss, at dahil siya ang sekretarya nito, tinitiis niya na lang ang mood nito. Mahirap atang maghanap ng trabaho sa ngayon, at makahanap ng napakagwapong Boss.
Noon ko pa sinabi sa yo na bago ako dumating sa office ay dapat handa na ang coffee! hirit na namn nito.
Opo, ito lang ang tanging nasabi ng dalaga.
Nang makatapos ng pagaaral si James 1 year ago ay agad na ipinasa ng kanyang ama sa kanya ang kumpanyang pinagmamay-ari ng kanilang pamilya. Isa itong advertising Company na kilala na sa buong Australia dahil na rin sa magaling na pamumuno noon ng kanyang ama, at ngayon nga ay tuluyan na itong nagretiro. At siya na ang nagmamalakad ng kompanya for a year. Binatang-binata na siya ngayon, kung noon ay para siyang walis tingting sa kapayatan, ngayon ay malaki ang ipinagbago ng katawan nito na lalong naging daan upnag mas maging marami ang nahuhumaling na mga babae sa binata. Pero sorry na lang ang lahat ng mga girls na may lihim na pagnanasa sa kanya dahil taken na ang binata. Simula ng magpasya si James na ipagpatuloy ang pagaaral sa bayan ng kanyang ama, naging iba-iba na ang naging girlfriends nito hanggang sa magtagpo ang landas nila ng nobya nitong si Kyra. Kyra is a pure Filipina na nag-aral sa Australia. maganda at napakabait na dalaga. Kaya hindi na nagtaka ang marami kung bakit ito ang naging long time girlfriend ni James for 3 years. Ngunit lately ay palaging nag aaway ang dalawa, at palagi namang wala sa mood ng binata.
Habang nagkakape ang binata at binabasa ang isang report ay nag ring ang kanyang telepono.
Anak? kmusta ka na? bati ng kanyang ina.
Ma? ok po ako. parang bigla ata niyang na miss ang ina.
Noong magpasya siyang bumalik ng Australia, hindi sumama ang ina nito. Mas gusto nitong kasama ang mga kaibigan sa Pilipinas at ang mga orchids nito kaysa sa kanilang mag ama. Pero naiintindihan niya naman ito. Hindi ito sanay sa ibang bansa kaya nirespeto nila ang desisyon nito, at ngayon nga dahil nagretiro na ang ama ay kasama na ito ng mama niya sa Pilipinas. At siya ay nagiisa sa Australia. Mabuti na lng at ang sekretarya niya na palagi niyang pinapagalitan ay isang Pinoy, hindi siya nahihirapan. At ganun din ang kanyang nobya. Pero nitong mga nakaraang araw, palage na lang itong wala, ni hindi niya mahagilap.
Anak I have goodnews for you! excited na balita ng Ginang. Sina Tita Rose mo ay dumating na galing London. At sabi nila ay mag stay na sila dito sa Pilipinas for good! Dito na raw nakabase ang papa ni Devon!
Agad namang natigilan ang binata pagkarinig sa pangalan ng dalaga.
James! untag ng kanyang ina. are u still there?
Yes ma.

Kailan ka dito uuwi James?malapit na ang Pasko sana naman maisipan mong umuwi and to celebrate it with us. sa nagatatampong tinig ng ina.
Ma you know how much busy I am, Instead of visiting you there in the Philippines, kayo na lang kaya ang bumisita saken instead?
You know naman na I hate travelling di ba? so please umuwi ka, ako parin ang ina mo James, I'm still your mother. And you mom command you to go home the day after tomorrow! ok na siguro ang isang araw for you to settle all your responsibilities there. matatag na bilin ng Ginang sa anak.
At bago pa man makaprotesta ang binata, her mom dropped the call.
Hell! ang tanging nasabi niya.

CHAPTER 12

Kasalukuyang pumapasok si James sa loob ng Hospital para bisitahin ang kanyang pinsan, pinagmamalaki kasi nito ang teknolohiya ng nasasabing Hospital kaya nitong makita rin ya. Maganda nga ang Hospital, maraming mga facilities na hindi makikita sa Hospital sa Pilipinas. Habang dumadaan ang binata sa hallway ay nakarinig siya ng pamilyar na boses. Agad naman siyang nagtago para hindi makita ng mga ito. Ano ang ginagawa ni Brett sa hospital at kasama si Fretzie? Tanong ng binata sa sarili. Kinakabahan siya ng hindi mawari. Nagtago siya ng mabuti para hindi makita ang mga ito, plano niyang sundan ang dalawa kung saan ang mga ito patungo. May dala-dala silang mga pagkain, galling ata sila sa grocery sa groundfloor ng Hospital. Sino kaya ang binibisita ng dalawa, kilala kaya niya?


Ang bigat ng pinamili natin Brett, ang rami naman nito eh tayo lang namang dalawa ang kakain nito.
Eh marami ka kayang kumain, at saka buong magdamag tayong magbabantay ngayon. Hanggang bukas na ang pagkain. Hahaha, natatawang sagot ni Brett sa dalaga. Naamuse siya sa mukha nito, parang bigat na bigat ito sa dala-dalang pagkain, eh puro chichirya lang na man.
Kinurot na man ng dalaga ang binata. At nagtawanan na ang dalawa papuntang room ni Devon.


Dahan- dahang sinusundan ni James ang dalawa, nakita niya na itong pumasok sa isang kwarto, Room 206. Nang isara na ang pintuan ay agad namang lumapit si James sa pintuan, ng may biglang tumawag sa kanya. Hindi niya man lang nakita ang pangalang nakasulat sa pintuan ng hospital room na iyon.

James! Tawag ng pinsan niya na nagpalingon sa kanya. Let’s go James, I will roam you around.
Are you done with your work? Tanong naman nito sa pinsan.
Yup, it’s the end of my shift, let’s go. At umalis na nga ang dalawa sa Hospital.

Kinaumagahan, ay may magandang balita na naghihintay kina Devon at mga magulang niya, ganun narin kina Fretzie at Brett.

I have good news for all of you! We found a perfect donor for Devon’s heart transplant. Her family is willing to donate the heart of the girl who died in a car accident. So we could start the operation the soonest time possible. If Devon’s condition is good, we could have the operation 2 days from now. Mahabang pahayag ng Doctor sa mga taong naroroon sa loob ng hospital room. At lahat ay tahimik na nag pasalamat.

Inihahanda na si Devon, the operation will take place tomorrow. Excited na ang lahat and at the same kinakabahan. Hindi basta-basta ang gagawing operasyon, maselan ito at maari ding ikamatay ng dalaga. But they are hoping fort he best, gagaling ang dalaga at babalik ito sa dating sigla. Ang masayahing si Devon.

Umuwi ang mga magulang ng dalaga para kumuha ng mga kailangang gamit, bukas na ang mga ito babalik bago umpisahan ang operasyon. Kasalukuyang sina Brett at Fretzie ang nagbabantay sa dalaga. Alas nwube na ng gabe nag may biglang kumatok sa kawarto ni Devon. Narinig iyon ni Fretzie at agad na tumayo para pagbuksan sa akalang ang nurse ni Devon ang kumakatok, at agad naman niyang naalala na kanina pa ang huling bisita ng nurse nito. Habang si Brett naman ay nakatulog na sa couch, halatang pagod na pagod. Tumigil sandali ang pagkatok, at ng pabalik na sa pag upo si Fretzie agad namang kumatok ulit ang nasa likod ng pintuan. Nagtataka man kung sino ang kumakatok ay napagpasyahan ni Fretzie na buksan ang pinto.

James! Kinakabahang bati ni Fretzie sa binata. Hindi inaasahan ng dalaga na Makita ito ngayon. Gusto pa sana niyang isara ang pintuan at humingi ng tulog kay Brett pero tuluyan ng nakapasok si James sa loob ng kwarto. Hindi inaasahan ni Fretzie na makita si James mas lalong hindi inaasahan ni James na makita si Devon na natutulog na parang walang buhay…..

CHAPTER 11

Dinala nga ni Brett sa bahay nila sa Brentwood Heights. Malayong- malayo ito sa Los Angeles International Hospital kung nasan naroroon si Devon. Mapapanatag rin ang kalooban nina Brett at Fretzie kung di malalaman ng binata tungkol sa kanilang kaibigan. At mukha ngang hindi nito alam, hindi man lang nito binabanggit si Devon o ang dahilan kung bakit nandoon si Brett.




JACKS' RESIDENCE:


I miss my home back in Australia. Tugon ni James habang papasok sa garahe nina Brett.
Oh don't fool me Brett, I know you don't miss it. Mas miss mo siguro yong mga girls na naiwan mo doon 5 years ago. Brett mockingly laughed at James.
Of course not, you're ridiculous! sagot naman ni James.

James is staying for 3 days now sa bahay nina Brett sa L.A, but he doesn't have any evidence yet laban sa kaibigan about the secret. He knows and he feels that there is something between Fretzie and Brett. And he can't figure it out yet.

Hell! it's so frustrating! himutok ng binata.

One morning, nakita ni James na lumabas si Brett ng bahay at deretsong sumakay ng taxi. Gusto sana niyang sundan ang binata but to his dismay wala man lang cab sa labas ng gate, naghintay siya ng matagal just to grab a cab..pero hindi na niya alam kung saan patungo ang kaibigan.

Ano ba ang secrets niyo, why can't you just tell me! sigaw ni James sabay suntok sa hangin.

HOSPITAL:


Hi Fretz, bati ng bagong dating na si Brett kay Fretzie na nakaupo at nakasandal sa couch ng kawarto ni Devon.
Brett! mabuti at andito kana, umuwi na muna sina tito't tita para makapagpahinga.
Eh ikaw Fretz, hindi ka ba magpapahinga?nag aalalang tanong ng binata. Awang awa ito kay Fretzie, malaki din ang inihulog ng katawan nito simula ng umuwi sila galing Pilipinas. Buong magdamag itong nagbabantay sa kaibigan kasama ang mga magulang ni Devon at siya. At kung minsan ay nag iisa lang ito, dahil hindi siya makapunta sa Hospital dahil na rin sa pagtatago nila kay James. Ngayon niya lang ulit natuunan ng pansin ang dalaga....at nais niya itong aluin at akapin pero nahihiya siya.

Devon? I'm still holding on to what you have promised. Kaya kailangan mong magpagaling, ikaw na lng ang pag asa ko para mapansin ako ni Fretzie. at lalo namang nalungkot ang binata ng sumagi sa isipan niya si Devon at ang ipinangako nito.

Brett? what are you thinking?ang lalaim naman ng iniisip mo. nakatawang sabi ng dalaga. At gumaan na nga ang mukha nito kase nakangiti na.
Ha? ganun ba? gaano kaya klalim? at napalitan ang tahimik na paligid ng kwarto ng masaya na tawanan.

At iyon ang nagpagising sa nahihimbing na dalaga. She tried to sit at sumandal sa headboard ng kama, at dahan-dahang iminulat ang mga mata. I feel so weak, sigaw ng isip nito. At may narinig siyang tawanan sa loob ng kanyang kwarto.

Bes, tawag niya sa kaibigan sa pinakamahinang boses. At napalingon naman ang dalawa.

Devon! sabay na bati nga dalawa sa dalaga.

Para namang hapo-hapo ang dalaga na nakasandal sa headboard ng kanyang kama.

Bes, Brett? tawag muli ng dalaga?penge ng tubig, I'm thirsty.

Here Devs sabay bigay ng isang basong mineral water
Thanks Brett!


Kamusta ka na pala Devs? galing kay Fretzie
Ok naman ako Bes, wag na kayong mag alala. Feeling ko nga ang lakas lakas ko na..at pinilit pang ngitian ng dalaga ang mga kaibigan para maitago ang kanyang kasinungalingan sa mga sinabi. She's not getting better but worser.Lahat ng sintomas ng kanyang sakit ay napagdaanan na niya, parang wala na siyang lakas upang lumaban sa mga susunod na mga atake ng kanyang karamdaman. Hindi lihim sa kanya, na medyo matatagalan pa ang pagundergo niya ng Heart Transplant, dahil na rin hindi madaling makahanap ng Donor. Gayunpaman, ni minsan ay hindi siya nawawalan ng pag asa. Hi hindi niya sinisisi ang Diyos dahil sa kalagayan niya. Wala siyang karapatang gawin iyon dahil binigyan siya ng Diyos ng masayang kabataan kasama ang mga magulang at mga kaibigan niya. Kung babawiin man ng Diyos ang buhay niya ngayon, walang dapat pagsisisihan dahil naranasan na niyang maging masaya. Ang Diyos lamang ang nakakaalam kung kailan nito babawiin ang buhay na ibinigay nito sa kanya, kung ngayon man iyon ay handa na siyang mamatay. Malulungkot man ang mga mahal niya sa buhay, eventually makakamove on din ang mga ito. At bigla na lng naalala ni Devon ang binata na labis nanakit ng kanyang kalooban..


Baliktanaw:


Yaya Lyds? paiyak na salubong ng dalagita sa kanyang yaya.Ito ang taga pagsundo niya kapag absent ang kaibigang si Fretzie. Dito siya kasi sumasabay pauwi. Lagi itong sinusundo ng papa nito at isinasabay din siya.

Anak bakit ano ang nagyari?bakit ka umiiyak? nag aalalang tanong ng yaya sa alaga.
Yaya..sumisinghot singhot na hikbi ng dalaga. Alam na po ni James ang ginawa ko, at galit na galit po siya sa akin.

Si yaya Lydia lang at si Fretzie ang nakakaalam sa kanyang ginawa.

Nag aalala namng niyakap ni Yaya ang alaga. Kasi naman ikaw eh, bakit mo ba pinagkalat na mabaho ang paa ng kaibigan mo, tukoy nito kay James. malumanay nitong tugon sa dalagita.
Alam niyo naman po yaya di ba?, nililigawan ni James si Tricia, at saka di po ako boto dun, maarte po iyon eh! mahabang paliwanag namn ni Devon. Ginawa ko po iyon yaya kase alam kong crush din siya ni Trish. Yon lang ang only way na kaya kong gawin para layuan na siya ni Tricia yaya. She doesnt deserve James, kawawa lang ang kaibigan ko kung maging boyfriend siya ni Tricia. umiiyak parin nitong paliwanag. At galit si James yaya, alam ko kung bakit dahil lumayo na si Tricia sa kanya. dugtong pa ng dalaga.

Mabait na bata si James anak at alam kong maiintindihan niya rin ang ginawa mo balang araw. pagaalo naman ng yaya.


Devs? nagugutom ka ba? tanong ni Fretzie na nakapukaw sa iniisip ng dalaga.
Hindi pa ako gutom bes.

nag uusap ang 3 ng may pumasok at may dala-dalang mga gamot.

Hi Devon kamusta na ang pakiraramdam mo?
Ok naman nurse. sagot ng dalaga sa nurse na kakapasok lng para ihatid ang mga gamot ni Devon.

Heto na ang mga gamot mo Devon, mabuti naman at ok ka. Inihanda ko na ang lahat ng mga kailangan mo dito. At kinausap naman ng nurse sina Brett at Fretzie.

Kayo ba ang nagbabantay ngayon kay Devon? tumango naman ang dalawa.
maya-maya ay papasok si Doc. para icheck ang kalagayan ng pasyente, at saka wag niyong kalimutang painumin siya ng pain reliever after 2 hours. paalala ng Nurse sa dalawa.
At sabay namn na pa OO ang magkaibigan.


wer u? isang text message ang natanggap ni James mula sa kanyang pinsan.
Im on my way. reply naman ng binata.

Kanina lang nalaman ng pinsan niya na narito siya sa LA, nag text kase ang mama niya dito at ipinaalam sa pinsan niya. Kaya nagulat siya ng mag text ito at sabihing magkikita daw sila sa isang coffee bar malapit sa isang Hospital. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang nasasabing Hospital dahil kilala iyon sa buong siyudad.


Habang patungo si James sa lugar na kung saan sila magkikita ng pinsan ay may nahagip ang kanyang paningin na papasok sa Hospital. Ang Coffee bar kung saan sila magkakita ay kaharap lang ng malaking Hospital.

Hindi pwedeng makita niya ang papa ni Devon na pumasok sa loob ng Hospital, Nasa London ito nagtratrabaho. Baka kamukha lang. bulong ni James sa sarili. At pumasok na siya sa loob ng coffee bar at nakita na nga ang pinsan na naghihintay sa kanya.

Cuz! Bati niya sa pinsan sabay halik sa pisngi nito.
James! Wow ang pogi! Bati naman ni Janice.

Si Kazel ay pinsang buo ni James, anak ito ng kapatid ng kanyang ina. Matagal na silang hindi nagkikita, dahil sa L.A ito nagtratrabaho at once lang makauwi sa isang taon.

Kumain ang magpinsan at nagkwentuhan, they’re having a great time. Napag alaman din ni Kazel na nanunuluyan siya sa isang kaibigan. At bago sila maghiwalay ay sinabihan ng dalaga na dalawin siya nito sa Hospital kung saan ito nagtratrabaho. At nangako naman si James.

CHAPTER 10

Devon anak! Pls hold on! Darating pa si papa…anak wag muna anak, maawa ka. Halos nagsisigaw na sa iyak ang mama ni Devon.

Lahat ng na sa hospital room na iyon ay hindi mawari ang gagawin. Devon’s heartbeat is not stable. At nag aalala na ang lahat ng naroon.

Rose! Lumingon ang lahat sa nagsalita.
Rudy, patakbong niyakap ni Rose ang asawa. What took you so long? Ang anak natin…..napaiyak na sabi ng ginang.
Inakap naman Ni Rudy ang asawa. Nang mapadako ang tingin niya sa kanyang anak ay parang humina ang tuhod niya. Ang napakabait at masayahin niyang anak, nakahiga, puno ng ibat-ibang apparatus sa katawan. She looks so pale, so thin at parang wala ng buhay. Parang tumindig ang balahibo niya pagkakita sa dinadanas ng anak. Bumababa tumatas ang dibdib nito, na ktang kita kung paano nitong nilalabanan ang sakit.

Yes Devon has a Congestive Heart Failure. Her heart is too weak to pump enough blood to get oxygen. Her heart is working but not working good enough. And the only cure for heart failure is to have a heart transplant. At kung hindi ito maagapan, she could die. Sigaw ng isip ng papa ni Devon.

Agad namang nilapitan ng Ginoo ang anak na kasalukuyan ng mahinahon at nasa husto ng paghinga.

Kailangan kong maging matatag, ako ang sandigan ng aking pamilya. For almost 13 years siyang nasa ibang bansa para kumita ng malaking pera para sa mag anak niya, ni hindi nya man lang nakitang lumaki ang nag iisa niyang anak. And now Devon is on her bed, the bed of death. Ayaw man tanggaping ng puso niya na kahit anong oras ay pwede ng kunin ng Maykapal ang anak, kailangan niyang maging matapang at wag mamalan ng pag asa. Ang anak ko ang dahilan para magpursige ako sa buhay. Siya ang pag asa ko at ayaw kong mawala iyon. Sabi niya sa sarili.

Ma, kailangan ng makakita ng donor. Sabi ng Ginoo sa asawa.
Sabi nga ng Doctor, hindi madaling makakita ng Donor ng puso. Kailangan kasing healthy and donor at namatay dahil sa aksidente. At kailangan ding pumayag ang mga kamag anak na idonate ang puso ng namatay. Mahabang paliwanag ni Rose sa asawa.


James tried to call Brett ng…
Hello? Brett’s voice over the phone.
Brett! Good you’ve got your number working here in L.A! agad namang sagot ni James.
Are you here in L.A, and what are you doing here?
I need to see someone! I’m here in the Airport, pick me up please.
Para namang nataranta ang binata sa kabilang linya.


Fretz what will I do? James is here! Nataranta na si Brett. At ganoon din si Fretzie.
Brett ano ang gagawin natin, bakit kaya nandito siya? Alam na kaya niya?
Ok, I’ll pick him up na, at iuuwi ko siya sa bahay . At sana di pa niya alam ang tungkol dito.
Brett? You’ve promised me…paalala ni Fretzie sa binata.
Hinawakan naman ni Brett ang dalaga ang he assured Fretzie that he will keep his promise.


AIRPORT:


Palabas na si James sa exit ng Airport, dala-dala ang di kalakihang maleta ng mahagip ng tingin niya ang kaibigan.
Thanks Pare! Sabi niya sa binata. Bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ba ako welcome dito? Nagtatampo ang tinig ni James.
Hindi naman sa ganun, kasi hindi mo man lang sinabi na papunta ka dito ngayon. Paliwanag naman ni Brett.
Where’s Fretzie? Di mo ba siya sinama? Sinusubukan ni James na hulihin ang kaibigan, alam niyang may tinatago ito.
Fretzie? Andito rin ba siya? Patay malisyang tanong ni Brett.
Hindi na nagsalita pa si James. Malalaman ko rin sa takdang panahon ang secrets ninyo. I will make a way to find out, and that’s the reason why I’m here in the 1st place. Determinadong bulong ni James sa sarili.

CHAPTER 9

Oi Lydia kamusta na ang alaga mo? tanong ng isang kasambahay kay Yaya Lydia. nasa labas ang dalawang kasambahay at kasalukuyang nag uusap.

Hai...ganun parin Lenny eh...pero di parin kame nawawalan ng pag asa.
Nandoon na ba ang alaga ko sa LA? tanong ulet ng isa pang kasambahay.
OO dumating na doon si Fretzie kahapon bago ako umalis.
Di man lang nila mnamalayan na may dalawang tainga na nakikinig sa kanilang usapan.
...
...
LA? LA na naman…ano ba ang meron doon…..naguguluhang sambit ni James sa sarili.
Si Fretzie nasa LA?!!!!!...Bakit nandoon sina Brett at Fretzie sa LA? nagkakamabutihan na ba ang mga ito at napagkasunduan na mangibang bansa at gugulin ang buong Summer sa Los Angeles? parang nabuhayan naman ang loob ng binata. I need to do something!buong tapang niyang sabi. Nagkita ba sina yaya sa LA? at nandoon ba ang dalaga na matagal na niyang hinahanap?POSIBLE! at patakbo niyang tinungo ang kanilang bahay.


Tito I need to talk to you? can you pls. ready my visa I need to go to LA as soon as possible.!




LOS ANGELES CALIFORNIA HOSPITAL


She's been here for 2 months pero di parin kami makahanap ng magdodonate iha.Nawawalan na ako nag pag asa. Ang papa ni Devon ay uuwi na dito nextweek mula London para makita ang aming anak. Nawawalan na ako ng pagasa...at humikbi na ang ina ni Devon habang akap-akap naman ito ni Fretzie.

Tita sabi ng Doctor malapit na pong makakita ng perfect donor for Devon baka po 2 days from now ay meron na. pinasigla namn ni Brett ang kanyang tinig.
It's okay Tita you need to cry para gumaan naman po ang pakiramdam ninyo...at tuluyan naring napaiyak ang dalaga. At wala naring nagawa si Brett kundi akapin ang dalawang babae.

Hello po maam, bati ng isang nurse na papasok sa kwarto ni Devon. May dala-dala itong mga gamot na kailangang inumin ni Devon sa oras na iyon. Mabuti na lang at isa itong Filipina at magaling mag alaga.

Kailangan na pong uminom ng gamot ni Devon, gigisingin ko lang po siya. At ginising nga ng Nurse ang dalaga. Dahan-dahan namang bumangon si Devon at napasandal sa kama. Malaki ang inihulog ng katawan nito mula ng maadmit siya sa Hospital sa maynila at idinala sa LA para masuri ng mabuti at ayon narin sa kanyang Tiyong Doctor na si Dr. Cruz.


BALIKTANAW:

I hate you for this Roberto! naghihinagpis na sumbat ni Rose sa nakakatandang kapatid. Ni hindi na niya ito matawag na kuya sa sama ng loob.
Rose listen! I'm sorry about this, gusto kong ipaalam sa inyo ni Rudy pero hiniling ng pamangkin ko na wag na muna. mahaba namang paliwanag ng Doctor.
Hindi iyon basta-basta Roberto! buhay iyon ng anak ko at pamangkin mo!!!!!!!naghihisterya na ang bunsong kapatid ng Doctor.


Kung hindi nahimatay si Devon ng gabing pauwi sila galing sa Baguio,at kung hindi siya dinala ng mama niya sa Hospital hindi nito malalaman ang kalagayan niya.
Malubha na ang anak ko Kuya, she's suffering all this time, ni hindi ko man lang binigyan pansin ang mga masasamang nararamdaman ng anak ko....huhuhuhuhhu..hindi na galit ang nasa boses ng Ginang, ngunit napalitan iyon ng paghihinagpis at awa para sa anak.

Naawa naman ang Doctor at wala ng ibang magagawa para pahupain ang sakit na nararamdaman ng kapatid kundi ang yakapin ito ng puno ng pagmamahal.


PRESENT:

Nageempake si James ng gabing iyon, hindi na siya mapakali. Bukas na ang flight niya papuntang L.A.. Kinakabahan siya na di niya mawari, parang ngayon pa lang ay gusto na niyang lumipad patungo roon. Gabe na ng tuluyan na siyang antukin at makatulog.


James?umuwi kana pala, bakit di mo ako hinintay. Tanong ng dose anyos na dalagita na nakanguso.
You should know how to go home Devon, at saka you’re with Fretz naman diba?Malapit lang naman ang School natin from our Subdision. Di mo na kailangan ng body guard no..matanda kna ! kantiyaw namn nag trese anyos na si James.
Hmmp, ayaw mo lang akong isama kase kasama mo si Trish! Nakangusong tugon ng dalagita.
Eh ano naman ang pake mo aber? Eh gwapo naman ako?
Bigla na lang natahimik ang dalagita at walang sabisabing tumalikod at iniwan ang binatilyo.
Hey! Are you angry?
Angry your self! Pangit! Sigaw ni Devon kay James!
Ako pangit? Eh ikaw negra! At humalakhak ito ng ubod ng lakas…wahahahahahahaha!


Hi Trish, pwede ba kitang ihatid?tanong ni James sa magandang dalagita. Ito ay si Tricia Sata Roman, ang muse ng kanilang Klase. Napakaganda nito at mabait din naman kahit marami ang nagsasabi na maarte and dalagita.

I’m sorry James, I have my sundo na. And out from nowhere lumabas ang mortal na kaaway ni James. He’s Patrick, kakalase din nila at katunggali sa lahat ng bagay.

Sorry Bro, I’m the first! At ngumisi ito na siya namang ikinainis ni James.
Hell! Ang tanging nasambit ni James sa sarili.


Oi Trish, iba yata ang kasama mong umuwi kahapon? Was that Patrick? Akala ko ba si James yong crush mo? Tanong ng kaibigan ni Trish.
Gwapo nga si James, but eew! I don’t like boys na mabaho ang paa noh! Parang diringdri na sagot ng dalagita.
What? Totoo? May athletes foot si James? Hindi ata kapani- paniwala Trish.
I know that its true, mismong si Devon ang nagsabi sakin nun!

Sa sobrang galit ay dali-daling tinungo ni James ang classroom nina Devon. At nakita niya namn agad ito.

Hi James! Mabuti namn at nasundo mo ako ngayon. Sobrang ganda ang ngiti ng dalaga.
What the hell have you done?!!!!hindi maipinta ang gwapong mukha ng binatilyo.
What have I done? Kinakabahang tanong ni Devon.
Ano ba ang pumasok sa isipan mo Devon na ipagsabi na mabaho ang paa ko! which is definitely not true! At di na napigilang sumigaw ng binata, at agad namang tumalikod upang ewan ang dalaga. Sabay sabi…..

You will regret this day Devon!
James, I’m sorry. Babawiin ko ang mga nasabi ko sa kanila. Please wag kang magalit. Hahabol pa sana si Devon pero hindi na siya pinansin ni James.At tuluyan ng naiyak ang dalagita.


Ang panaginip na iyon ang nagpagising sa tulog ni James. Bigla niyang naalala ang mga nangyari more than a year ago. Noon, Devon and James were friends, pero after ng nang ipagkalat ni Devon na masama ang amoy ng paa ni James, nagsimula naman na kalimutan ni James si Devon. Hindi dahil ipinagkalat nito ang bagay na hindi totoo o dahil nabigo siya sa kanyang unang pag ibig, kundi dahil feeling niya hindi itong mabuting kaibigan. May kaibigang bang kaya kang makita na pinagtatawanan ng iba?

Pero iba ang nararamdaman ngayon ni James. Noon pagkatapos niyang mapanaginipan ang mga nangyari sa nakaraan, palagi siyang nagigising na galit. Pero ngayon, bakit parang iba…. pagkahungkag ba ang nararamdaman niya? 

CHAPTER 8

Brett tawag ni James sa kaibigang, kasalukuyan siyang nasa labas ng bahay nina Brett.
James! Para namang nagulat si Brett pagkakita sa kaibigan.
Have you got the news Brett? Do you know where she is studying? Her new School?
I’m sorry James, hindi nagsasalita si fretzie eh…
At hindi naman napigilan ni James suntukin ang hangin. At hindi nya man lang nakita ang awa sa mga mata ng matalik na kaibigan.


School

Ok guys, this will be our last meeting. Enjoy your Summer Vacation!
Yes miss. Sabay-sabay namang sagot ng mga kaklase ni Fretzie.

This is what I’m waiting for. Madadalaw ko na rin si Devon. Bulong ng isip ni Fretzie habang pababa ng Building.
Napansin naman agad ni Brett ang dalaga na pababa ng hagdan. Parang ang lalim ng iniisip nito.

Fretz! Bati niya sa dalaga, pero di man lang ata narinig yon ni Fretzie.
Fretz ulit ng binata, sabay tapik sa likod ng dalaga.
Ay naku po halimaw! gulat nitong turan. Ikaw pala Brett, bakit mo naman ako ginulat?
Kanina pa kaya kita tinatawag, eh parang ang lalim yata ng iniisip mo…sagot ni Brett.
Wala..iniisip ko lang si Devon, I’m planning to go home next week. I need to see her as early as possible Brett.
Yes we will see her! From Brett.
What do you mean, we? Tanong nman nito.
I’ll go with you! Simpleng sagot nito at sabay sila lumabas sa eskwelahan.


1 week later:


Gumising na siya iha…untag ng mama ni Devon, nakatulog na ata siya sa couch.
Fretzie iha, gumising na ang kaibigan mo. Malumanay nitong ulit.

Mum? Parang pabulong na lumabas sa bibig ni Devon ang kanyang salita, namamaos ang boses nito.
Awang-awa naman ang ina at ang kaibigan nito sa kalagayan niya.



Palabas ng bahay si James ng may di inaasahang makita sa tapat ng gate nina Devon. Para itong kakarating lang sa isang malayong lugar. Marami itong dala- dalang plastic bags at may isang malaking maleta.Pinagmasdan ni James ang matanda at nang hindi makatiis ay nagtanong na ito...

Yaya Lyds! kamusta po?, hindi ko ata kayo nakita these past few weeks?
Oh James, ginulat mo naman ako. at sabay napahawak sa dibdib ang matanda.
I'm sorry yaya. napangiti naman si James. Kahit kailan madali lang itong magulat, kahit noon pa ng bata pa sila ni Devon. They used to play with yaya Lyds at palage nila itong ginugulat...the old days? at bigla naman siyang nalungkot.

James! tawag ulet ng matanda na nagpabalik ng isip ng binata. James ano ba ang nangyayari sayo, bakit para kang tulala? Tinatanong mo ako kanina, parang di knaman nakikinig sa sagot ko. at napangiti naman ang matanda.
Sorry po yaya....napangiti na rin si James.

Hinila namn ng matanda ang binata papasok ng bahay at kinuha namn ni James ang ibang dala ng matanda.

Nanggaling ako sa malayong lugar James, may dinalaw lang akong kamag anak. pagsisinungaling ng matanda. Pinagbilinan siya nina Fretzie at Brett bago siya umuwi sa Pilipinas na wag na wag niyang mabanggit ang kalagayan ng kanyang alaga.Kahit labag sa kalooban niyang magsinungaling sa binata ay wala na rin siyang magagawa. Mahal na mahal niya ang kanyang alaga at nakita niya kung paano ito nasasaktan sa mag nangyari noon dahil kay James. at ayaw niyang maulit pa iyon.

Ya? sabi ni Fretzie, Devon transferred to another school? saan na po ba siya nagaaral ngayon ya? tanong ng binata.
Aahah kase?prang di alam ni yaya Lyds ang isasagot. Kase iho alam mo hindi ko alam ang name ng bagong School ni Devon eh.parang kinakabahang saad nito.

Ganoon po ba? asan po pala siya ngayon ya, parang nag iisa ka lang dito at di ko na rin nakikita si tita Rose na nagjojogging sa labas lately? sunod sunod na tanong ng binata na lalong ikinabalisa ng matanda..

Iho hali ka nga dito, ang rami mo namang itinatanong..halika at magmeryenda tayo! pagiiba ni yaya Lyds.

Gusto na sanang umalis ni James pero he felt something different of what yaya's reaction, para itong hindi mapakale. So he decided to stay at magtanong sa matanda na hindi medyo obvious kase feeling nya ay iniiba ng matanda ang usapan.

Mmmm ang sarap namn ya...
syempre naman iho galing abroad to....bigla namn natigilan si yaya, I mean galing to sa pamangkin ko galing US. agad namang bawi ni Yaya Lyds.

At naghinala na nga si James. He knows na ang pagkain na kinakain nila ngayon ay galing abroad, hindi ito makikita saan mang probinsya dito sa Pilipinas..somethings not right sabi ng isip niya.
Saan po ba siya nagtratrabaho sa U.S ya?
ah eh....sa LA iho, siguro di naman obvious kay James sigaw ng isip ng matanda.
Ganoon po ba, sosyal naman at binigyan pa ni James ng isang magandang ngiti ang matanda....


kriiiiinngggggggggggggg....................

Hello Jacks residence?

Isang boses ang narinig ni James sa kabilang linya
Hi? is Brett around. tanong ni James sa kasambahay nina Brett.
Naku po kuya James, umalis po si Kuya Brett papuntang LA upang bisitahin ang papa niya.
LA? yon lang ang naisagot ni James ang binaba na ang telepono pagkatapos niyang magpasalamat.

CHAPTER 7

Fretz, kmusta na siya? May balita kna ba? Salukuyang nasa bahay nina Fretzie si Brett.
Nothing yet Brett, hindi pa tumatawag si tita eh, nag aalala na nga ako.
Inakbayan ng binata ang dalaga..wag kang mag alala Fretz, magiging ok din ang lahat. Alo nito sa dalaga.
At tuluyan ng napaiyak ito. Brett, paano kung…..
Wag mong isipin niyan, she’s strong and I’m sure she will hold on for you, sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya.
Pls. Brett promise me not to tell James about this. Ayaw ko na dagdagan ang dinadala ng kaibigan ko. She’s moving on.
Yup, I promised! Brett quickly answered.

Ipinangako ni Fretzie sa sarili the she will protect Devon, hindi na niya hahayaang masaktan muli ang kaibigan. She loves Devon so much.


Hello po Tita? Kamusta na po siya? Tuluyan ng umiyak ang dalaga.
Iha, wag kang masyadong mag alala sa kaibigan mo….may Diyos, hindi niya tayo papabayaan.
Tita, I will be there this summer…uuwi ako dyan para madalaw siya.
Thanks iha, mabuti nga at madalaw mo narin ang mga magulang mo…I know na miss na miss nyo na ang isat-isa.
Opo tita…pls kiss Devs for me..at tuluyan ng napahagulgol ang dalaga.

Lord please…..please..mahinang dasal ni Fretzie.


AT JAME”S ROOM:

Kakagising lang ni James, kasalukuyan siyang nakadapa sa kama at nakikinig sa isang F.M station ng pumainlang ang pamilyar na musika…..




I can still remember yesterday
we were so in love in a special way
And knowing that your love
Made me feel... Oh... So right

But now I feel lost
Don't know what to do
Each and everyday I think of you
Holdin' back the tears
I'm trying with all my might



At hindi inaasahan ni James ang naging reaction niya pagkarinig ng musika…his heart is aching for something he doesn’t even know…oh eto pala ang kanta noong inaya siya ni Devon na sumayaw, bago pa nangyari ang mga bagay na labis niyang pinagsisihan.



Refrain:
Because you've gone and left me
Standin' all alone
And I know I've got to face
Tomorrow on my own
But baby

Chorus:
Before I let you go
I want to say I love you...
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby...
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will doohh... yeah...
So before I let you go
I want to say I love you...


I wish that it could be
Just like before
I know I could've given you
So much more
Even though you know
I've given you all my love

I miss your smile, I miss your kiss
Each and everyday I reminisce
'Coz baby it's you
That I'm always dreamin' of

Refrain:
Because you've gone and left me
Standin' all alone
And I know I've got to face
Tomorrow on my own
But baby

Chorus:
Before I let you go
I want to say I love you...
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby...
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will doohh... yeah...
So before I let you go
I want to say

I love you...



Pagkatapos ng kanta ay agad bumaba ng kanyang kwarto ang binata. At nakasalubong niya ang kanyang ina. Napahinto naman ang Ginang at pinagmasdan ang anak.

Anak may problema ka ba?
Ma, may balita ba kayo tungkol kina tita Rose?
Ah bakit naman anak?
Natanong ko lang po ma, kase hindi ko na po nakita si Devon sa School.
Are you worried about Devon anak? Tanong ng mama ni James.
No ma, just don’t get me wrong. Cge po ma, may lakad po kami ngayon ni Brett. Bye!

At agad nang lumabas si James at tinungo ang gate. Plano niyang puntahan ang kaibigan at itatanong if he has talked to fretzie about Devon. Nasa harapan siya ng bahay nina Devon….nang may maalala siya sa nakaraan………


Baliktanaw:


Kakalipat pa lamang ng pamilyang Grant sa kanilang bagong bahay sa subdibisyon na iyon. Si James ay nakatayo sa harapan ng kanilang malaking gate at nakamasid sa isang batang babae na naglalaro sa mismong harapan niya. The little girl could be younger, atleast a year sa kanya. He’s turning 9 sa susunod na Linggo.Nang biglang napahinto ang kanyang pag iisip ng may magsalita sa kanyang harapan…..


Hi! Kayo ba ang bago naming kapitbahay?Ako nga pala si Devon and I’m 8 years old. How about you?tanong ng batang babae na may magandang ngiti kahit na hindi pa kompleto ang mga ngipin nito.she’s really cute!
At napangiti naman si James at nagpakilala din sa batang babae. Hi! Yes We are your new neighbor. And I’m James, 9 yers old.
Oh so you’re my kuya na pala. Can you understand me? Parang nalilito nitong tanong.

Of course! Why? tanong ni James kay Devon.
Because I think youre a foreigner if I’m not mistaken?
Yup, I can’t speak straight tagalong but I can understand . You are a clever little girl!
At napahagikhik naman si Devon sa sinabi ni James.
And you are a handsome little boy. At napahagikhik na ang dalawa.

At iyon ang simula ng kanilang pagkakaibigan.

Bakit ba puro si Devon ang nasa isipan niya these past few days? Ni hindi na sumagi sa isipan niya ang girlfriend niyang si Anne. Kanina pa itong tawag ng tawag sa kanya pero di niya sinasagot. And he decided to call Anne while walking patungo sa bahay ng kaibigan.

What took you so long to call me back James. Pagalit na sita ng kasintahan. Bakit ngayon ka lang tumawag? 3 days na tayong hindi nagkikita, kahit tawag or text man lang di mo magawa? Anu ba! Humihiyaw na sa galit si Anne.
I’m sorry, marami lang akong iniisip these past few days. Mahinahong sagot ng binata.
At ako? Am I not included to those na nasa isip mo? Hindi mo man lng ba naisip na andito ako, parang baliw na naghihintay sa tawag mo!
I’m sorry Anne, at binaba na ni James ang telepono. I’m sorry…..sabi ulet ng isip niya.

CHAPTER 6

Where are you going James?
Hi Brett, punta ako sa freshmen building.
Ano ang gagawin mo doon?
Mmm…wla maglilibot lang.
Talaga lang ha?
oo…sagot nman ni James kay Brett at lumakad papunta ng Freshmen building.
Habang nakatitig lang si Brett sa likod ng papalayong binata.


Hi Fretz!
Oh hi James! Para atang may mali ha, anu kaya ang nakain nito at pinansin ako ng unggoy na to? Tanong ni Fretz sa sarili.
Ahhmmmmmmmmmm….nagdadalawang isip si James kung magtatanong ba tungkol kay Devon.
Bakit James? May problema ba?
AH kase di ko na ata nakita si Devon?
Oh, bakit mo naman hinahanap si Devon,? Himala ata?
Gusto ko lang sanang humingi ng paumanhin sa mga nasabi ko sa kanya noong hearts camp.

Bigla na lang nalungkot ang dalaga….I’m sorry James but Devon transferred to another School.
At nabigla naman si James sa sagot ng dalaga…dahil kaya sakin kung bakit sya lumipat ng eskwelahan?tanong nya sa sarili na mukhang nabasa nman ni Fretz.
Wag kang mag alala…hindi dahil sayo…matamlay nitong sabi.
Alam mo ba kung saan?
Hindi James, pasensya na…at tumalikod na nga si Fretzie bago pman mabasa ang kanyang mga mata dahil sa pag alala sa kaibigan.


SA BAHAY NINA JAMES:

Kakagising lang ni James…parang ang tamlay ng kanyang pakiramdam ngayon. Mula ng gabing iyon sa Baguio, ng mapagsalitaan nya ng hindi maganda si Devon hanggang ngayon na hindi nya pa nakikita ang dalaga ay parang kay bigat ng kanyang nararamdaman. Para niyang pasan ang mundo. Alam niya na nasaktan nya ng todo ang dalaga. At wala syang karapatang pagsalitaan ito ng masama sa harapan ng ibang mga tao.

Why am I feeling like this? Diba this is what I wanted since then, na Devon will stay away from me? Tanong ni James sa sarili. But there is something wrong in what I feel right now, it seems na nasasaktan ako of what happened between us that night. I saw the pain in her eyes. When will I see her again to say sorry. I need to see her, my conscience can’t bear it anymore. Conscience ko lang ba talaga? At matamlay na lumabas si James sa kanyang room patungo sa terrace ng kanyang kwarto na kaharap din ng kwarto ni Devon. But she did not see Devon or even any traces of Devon inside the house. And he decided to go to Brett’s place, 3 blocks away from their home.

At Brett’s house:

Oh James! What brought you here? Brett asked.
Pare I need someone to talk to right now..James answered.
May problema ba James? Bakit ang tamlay mo? Dahil ba kay Anne? Hindi ko na kayo nakikitang nagsasama sa school lately eh.
Brett, no it’s not about her pare. It’s about Devon. James answered.

Napabuntong-hininga naman si Brett pagkarinig sa pangalan ng dalaga.
Why a sudden James? Tanong ni Brett sa kaibigan na napalingon sa huli.
What do you mean? Naguguluhang tanong ni James.
Noon, kapag makarinig ka ng pangalang Devon agad kang naiirita, at ngayon naman gusto mo syang maging topic?

Brett I’m just sorry for what happened sa Baguio.
You should be James, you’ve hurt Devon. Litantya ng kaibigan.
I know Brett that’s why you need to help me…
At paano naman ako makakatulong?
Please ask Fretzie about her. Nahihiya ako sa kanya magtanong eh. Nakayukong turan ni James.
Allright, I’m a friend, so I’ll help you out. But sana you will feel the consequence sa mga nagawa mo…At malungkot na napangiti ang kaibigan.
Para namang naguguluhan si James sa mga sinabi ng kaibigan. May nakita siyang iba sa mga mata nito habang pinag uusapan nila ang tungkol kay Devon, kagaya ng nakita nya sa mga mata ni Fretzie noong hinanap nya si Devon dito. Meron ba siyang hindi alam, na nililihim ni Fretzie at ng kaibigan niya. At para bang gusto niyang maiyak…dahil ba nagiguilty siya o frustrated siyang makita ang dalaga?




Baliktanaw


Devon! Devon! Anak!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Yaya, halika dito pls. si Devon nahimatay…pls tulungan mo ako, dalhin natin siya sa hospital.

CHAPTER 5

The most awaited day comes…


Oh iha, ok na ba ang lahat ng gamit mo? Wla na bang kulang? Tanong ng nommy ni Devon.
Wla na po mom, complete na complete na po…sayang wla si Fretz, sana di na nlng ako sasama..
Ok lng yan anak..this is the right time to find new friends….habang wla pa yong bestfriend mo.
Ok po mom…cge po bye..paalam nya sa ina sabay halik sa pisngi ng nito.
Mag- ingat ka anak. Paalala nman ng Ginang.


SA BUS(papuntang baguio):


Babe, don’t forget what you have promised ha…bye! Sabay off ng cp nya si James.

Hi James! Bati ni Devon sa binata.

Why? Inis na tanong ni James.
Excuse me? I’ll settle down..sagot naman ng dalaga.
There are a lot of unoccupied seats over there..And I don’t want to sit beside you.
But this is my seat James, dito ako itinalaga.
Ok, take your seat! Sabay tayo ng binata at lipat ng upuan.
At tahimik namang naupo ang dalaga. I’m starting to loose hope.. 



Ok guys, we will have our designated rooms for all of you. And because we could occupy the whole building, some of you will use tents instead…so take your rest now and be ready later.


At ang lahat ay masiglang nagsitungo sa kani kanilang rooms and tents. Mostly sa tents ay mga kalalakihan, at isa na doon ay sina James at Brett kasama ang dalawa pa nilang kaklase na sina Ryan at Ivan.

This will be fun! Brett, Ryan and Ivan exclaimed. Habang si James nman ay di maipinta ang mukha, una dahil wla ang nobya, at pangalawa nakita na nman nya ang kinaiinisang si Devon.

At nang sumapit ang gabi, nag party na nga ang mga kabataan kasama ang kanilang mga guro. Naging Masaya ang 3 araw ng kanilang stay doon. Hanggang sumapit na ang pinakahihintay ng lahat, ang finale ng kasayahan….dahil kinabukasan ay babalik na sila sa Maynila. At kahit na sa ikaapat na araw ay walang Anne na dumating, kaya wala sa mood si James.

Bro, cheer up! Magkikita pa nman kayo ni Anne sa school diba?
I just hate it Brett, she promised me, tapos wla sya..alam mo nman a promise for me is sacred.
I know James, I understand..mag enjoy ka nlng ok? Sayang namn uuwi na tayo bukas.
Allright! James answered.


Aray…..bakit ngayon pa…ang sakiiiiiiiiiiiiiiitttttttttttttttttttttttttttt………..
Devon are you ok? Jenny asked Devon, nag aalala ito sa kasama.
Yup Jenny, Im fine!


Hello everyone!...Goodevening, tonight is the night guys, so enjoy kayong lahat. Each of you will pick a broken heart, at kailangan niyong hanapin ang pares ng heart na nabunot ninyo upang mabuo ito…at kung sino man yon, yon ang inyong makakadate ngayong gabi. Kung meron nman ditong magkasintahan, syempre excempted sila…dahil sila mismo ang mag didate ngayong gabe….Happy Valentines!


At nagsimula na ngang magbunotan ang mag estudyante.

I don’t want to join! Inis na sabi ni James kay Brett.
Just join, and enjoy! Malay mo nandito si soulmate?
Do you believe such thing Brett?
OH! I’m just kidding!hahaa
At bumunot na nga and dalawa ng kanilang hearts….

Oh Devon, I have found your match..lets go! Sabay hila kay Devon.
Jen wait, kinakaladkad mo na ako….
Hurry! Sagot nman nito.


Hi James!. Heres the other part of your heart, sabay pakita ni Jenny ng kalahati ng hugis pusong papel kay James.
Oh Jenny, so you will be my partner for tonight? Nakangiting sabi ni James.
Oh I loved too but It’s Devon James, your partner tonight..enjoy kayong dalawa..at ngingiti-ngiting habang hila-hila si Ryan. I will be you partner Mr. Kang! Sabi nito kay Ryan.
Oh my! Ayoko sau Jenny…at tumawa ng malakas si Jenny bilang sagot sa turan ni Ryan sa sinabi nya.

Habang si Devon ay tahimik lamang na nakatayo sa harapan ni James.
Oh don’t you want to say something? pang iinsultong tanong ni James
Ayaw mo ba akong kapartner James? Tanong naman ng dalaga.
Obvious ba? Deretsong sagot nito. At biglang gumuhit ang sakit sa mga mata ng kaharap, na nakita mismo ng binata.
Di bale, no choice eh, pagtitiisan na lng kita…sabay hila kay Devon papuntang mesa.

Habang nasa mesa ay walang imikan ang dalawa. Kumakain lang si James na halatang naiinis sa kasama. Habang si Devon naman ay hindi ginagalaw ang pagkain at nakatitig lang kay James.

I always adore this man, kahit di nya ako pinapansin, noong lumipat sila ng bahay katapat ng bahay namin at ng maging magkaibigan ang aming mga magulang. Naging malaki ang pag- asa ko na baka balang araw ay mapansin nya rin ako. Pero kahit anong gawin ko, wla paring epek. Kahit nga ako na ang kaharap nya ngayon, ni hindi magtama ang painingin namin. Masama ba talaga ang tingin nya sa kin na ni titigan ako di nya magawa? Hindi ba maganda ang mga ginagawa ko para sa kanya? Wla na nga sigurong pag-asa.  Hayaan mo, huli na to…hindi na kita kukulitin pa….pangako ng dalaga sa sarili.

Bakit ba naiinis ako sa kanya? Siguro dahil nanliligaw sya ng lalake. Masama ba yon?, e sa Australia nga uso yon eh…di ko maintindihan, but everytime I look at her, para bang natatakot ako…natatakot akong matitigan ang mga magagandang mata nya..Ano ba ang nangayayari sa akin, para akong sira. Banat ni James sa sarili.

Pumainlang ang isang magandang musika bilang hudyat ng sayaw…….Before I let you go by Freestyle


James?
Yes?
May I have this dance? Lakas loob na anyaya ng dalaga kay James.
What? Sa shock ng binata ay medyo napalakas ang boses nito na nakapalingon ng ibang mga estudyante.
OK, sagot ni James, at hinila ang dalaga sa gitna ng bulwagan.

James I love you! Sambit ng dalaga. Narinig naman iyon ni James at may kakaibang damdamin ang napukaw sa puso ng binata, parang punong puno iyon ng damdamin. Pero di nya pinansin iyon. What the heck, babae ba talaga eto? Ni hindi man lang nahiya magsabi ng feelings.! Pagalit na sambit ni James sa sarili.

I’m sure when I’m gone you’ll be happy. Malungkot na saad ng dalaga. Pero di parin iyon pinansin ni James.
And Devon tried to hug James, and James felt something different…parang ang sarap ng pakiramdam na kayakap sya….kaya hinayaan lang nyang yakapin sya ng dalaga.

James? Can you kiss me? Sa tanong na iyon ng dalaga ang nagpabalik sa huwisyo ng binata. At sumigaw na nman ang isip nito “she’s flirt!” At bigla na lamang niyang tinulak palayo si Devon.

You flirt! Sigaw nito na ikinagulat ni Devon at ng ibang nadoon sa gitna ng stage. Ganyan ka ba kababa? You know, I will never be inlove with you..ever! whatever you will do, you will not let me love a girl like you! Because your nothing but a bitch! So stay away from me!

Lahat na ata ng nandoon ay narinig ang lahat ng mga nasabi ni James kay Devon. At si Devon naman ay parang nauupos na kandila. Nangangatog ang mga tuhod.

Hindi ako iiyak sa harap ng lalakeng ito o ng kahit na sino pa man. Pero kahit anong pigil ng dalaga na hindi maiyak ay kusa ng tumulo ang mga luha nito. Na nakita naman ng binata. Nais sana nitong bawiin ang mga masasamang salita na nasabi nito sa dalaga, pero huli na ang lahat. Parang gripo ang mga mata nito, nag uunahan ang mga luhang tumulo. At nakita nito mismo kung gaano kasakit sa dalaga ang mga sinabi niya rito.

Sorry dahil nadamay kita sa kahibangan ko James. Iyon lang ang nasabi ni Devon at patakbong umalis sa lugar na iyon.

I want to give you so much from me James. Bulong ng isip niya. I want to let you feel that I care so much for you, even you feel the other way around.  malungkot nyang sabi sa sarili. Pero eto lang yata ang kaya ko. Sumusuko na ako sa laban. 


Tinawagan ni Devon ang ina na sunduin sya ng gabi ding iyon.

Mula ng gabing iyon ay hindi na nakita ni James si Devon…

CHAPTER 4

Niece, don’t get me wrong! You should tell you mum about this….
Tito I’ll tell mum about this, it’s not yet the right time.
Bakit ba ang titigas ng ulo ng mga kabataan ngayon? Tanong ng tito ni Devon.
I’m sorry po Tito, I promise, I’ll tell them.
Yes Devon you should make it sooner, or else ako ang magsasabi. Banta ng tito nya.
Opo. Devon answered.


Bes! Bakit ngayon ka lang? tarantang salubong ng kaibigan.

Kasalukuyan syang naglalakad patungo sa next subject nila sa umagang yon ng salubungin sya ng kaibigan.

Bes, kase may pinuntahan pa ako eh.
Naku, may masamang balita…parang nalulungkot na sabi ni Fretzie sa kanya.
Anu yon Fretz? Parang kinakabahan nyang tanong sa kaibigan.
Bes, I need to go home. Fretzie answered.
Ha? Bakit ka uuwi, wla naba tayong pasok?
Nope, I mean I need to go home…sa States….at napahikbi na ang dalaga.
What? Bakit?, bes namn sabi mo dito tayo magtatapos, you should keep your promise..naiiyak narin si Devon.
I know, kaya lang bes, my dad met an accident. And I need to be there. Pagkagaling ni papa, uuwi agad ako dito.
I’m sorry Fretz, its so selfish of me….kailan ka aalis?
Bukas Bes…
Para namang nanlulumong napaupo si Devon sa bench. Ok bes, uuwi ka kase need ka ni Tito. Bes, wag na tayong pumasok?
HA? Are you sure? Si Devon ayaw pumasok? tumatawang turan ni Fretzie sa kaibigan, pilit na pinapagaan ang loob.


I want to spend all my time for you today..sabi nga nila, save the best for last diba?
Bakit last na ba to? Di ba sabi ko, uuwi ako agad?
Ngiti lang ang sagot ni Devon sa kaibigan.
Hindi nga pumasok sina Devon and Fretzie ng araw na iyon. They went to the mall. Pumunta din sila sa amusement park. They played billiards, bowling at iba pa. Until mapagod at nakasunduan nilang kumain sa isang restaurant sa Mall.


Hey babe, don’t you want to eat? Sabi ng isang magandang babae sa gwapong kasama nito.
Yeah, I’m done. Sagot nman ng binata.
Done? Ni hindi mo pa nga ginagalaw yong food mo babe eh…pinoproblema mo parin ba ang sinabi ko kanina?
Yes of course, I’m planning something special that day tapos hindi ka pupunta? The guy answered back.
Ok, I’m sorry. But I need to go to Korea, I’ll try na makahabol sa celebration, is it ok Babe?
Allright. At napangiti na rin ang binata.
At nagkangitian na nga ang dalawa.


Bes, sandali lang ha, I need to go to the powder room.
Ok Devs, I’ll just order then.
Ok Fretz, thanks.
At lumakad na nga ang dalaga sa papuntang powder room. Nang may di inaasahang makita sa isang mesa na medyo malapit sa daanan kung saan sya patungo.

At biglang may kumirot sa gitnang bahagi ng puso ni Devon. Aray ang sakit namn….


Oh akala ko ba punta ka ng powder room? Fretz asked her
Nagbago ang isip ko Bes, maganda pa nman siguro ako, no need to retouch.hehehhe
Ganun? Syempre nagmana ka sa akin eh! Hahaha
Hahaha…ang lakas namn ng hangin dito! At sabay na silang tumawa.

Sa isip ni Devon, gusto nya bago umalis ang kaibigan ay may baon itong masasayang memories, malay nila hindi na sila magkita pang muli.  Kaya sa araw na yon kakalimutan nya muna ang sarili, ang araw na ito ay para lamang kay Fretzie, sa kanyang matalik na kaibigan.



Kinabukasan:


Sa Airport:

Don’t feel bad bes, babalik pa nman ako dba? Just think na nagbakasyon ako sa Cebu kaya hindi na muna tayo magkikita.
Basta Fretz, mag ingat ka doon ha? At wag ka munang mag boyfriend! Palala nya sa kaibigan…
Hahaha..ikaw talaga Devs! Oi tatawag ako sayo pagkadating ko doon ha! At saka maawa ka tigilan mo na si James, wag masyadong maharot ha..wla knang kakampi. Ok?
Opo lola! Pang iinis namng sagot ni Devon sa paalala ng kaibigan.
At tuluyan na ngang umalis si Fretzie pagkatapos nilang magyakapan…hilam ang luha ng isat-isa.
Bye bes! Sabay nilang sabi.


Things aren’t the same without my bestfriend, I really feel alone. Punta na siguro muna ako kay papa James, para nman magliwanag ang madilim kong araw…..at pumunta nga si Devon sa labas ng classroom nina James.


Babe, kanina kpa ba dyan? I’m sorry I’ve kept you waiting.
No its ok James..let’s go?

Paalis na sina Anne and James ng makarating si Devon sa classroom ng binata. At ang naabutan nya ay ang kaibigan nito.

Oh Devon, you are late..kakaalis lang ni James. Ang sabi ni Brett.
Ok lng Brett. Malungkot nyang sabi. Hay ang pangit talaga ng araw ko, sa loob loob ng dalaga.

Paalis na si Devon ng tawagin sya ni Brett. Devs? Uwi kna ba? Can I take you home?
At napangiti nman ang dalaga sabay sagot ng Oo ba…..!

Nang nasa loob na ng kotse ni Brett, hindi naiwasang tanungin nito ang dalaga. Why you keep haunting James?
Ha?, grabe ka namn, haunting talaga ha?anu ba ako, nakakatakot? Nangingiting sagot namn ng dalaga.
Napakamot nman ng ulo si Brett. Hahaha..o cge I’ll rephrase it then, bakit ba palage mong sinusundan ang friend ko?. pinapadalhan ng food kahit na tinatapon nya o pinamimigay?

Kase alam mo Brett, if you are running out of time, you should let someone feels that you love them, kahit sa mga simpleng bagay lang.. 
Kahit na hindi nila na aappreciate yong mga bagay na yon? Tanong nman ng binata.
OO, atleast, you have done your part. Sagot naman nya.

If I only have the same courage you have….
Bakit? May pinagdadaanan ka ba ngayon? Ang nakakalokong tanong ni Devon na sinabayan pa nya ng ngisi.
Wala no, tanggi nman ng binata..na medyo nailang kay Devon.
Wag kang mag alala….pag uwi ni Fretz, ako ang manliligaw sa kanya para sayo..hahaha
Alam mo?shocked na tanong ng binata.
Of course!..heller, palage ka kayang tulala kapag dumadaan yong bruhang yon no…hahahaha
At sabay na silang nagkatawanan….


Thanks for the ride Brett…ingat sa daan…paalala ni Dev kay Brett habang pababa sa sasakyan ng binata.
Opo madam, wag mong kalimutan ang usapan natin ha! Paalala nman ng binata
Hahaha..opo mahal na hari, ako ang bahala sa mahal na reyna..hahahahaha
Bye!

CHAPTER 3

Anak gising na, tawag ng mama ni Devon sa labas ng kanyang kwarto.

Nang hindi sumasagot si Devon ay pumasok na ang kanyang mama sa loob para gisingin ang dalaga.

Anak, masama ba ang pakiramdam mo? tanong ng Ginang.

Mama, ok lng po ako, masakit po kase ang ulo ko. sagot ng dalaga habang nakapikit.
Anak huwag kna kaya munang pumasok? Nag alalang sabi ng mama nya. Dadalhin kita kay Dr. Cruz.

Mom, ok lng po ako, simpleng sakit lng ng ulo to. Sagot ng dalaga.
Sigurado ka ha…basta kung hindi parin nawawala ang sakit sabihin mo skin, bilin ng Ginang. Ipapadala ko na lng dito ang almusal mo kay manang at ang gamot.

Opo mommy, salamat po.

Cge matulog kna. Sabi ng mama ni Devon bago lumabas ng kanyang silid.


Habang nakahiga si Devon ay napa isip sya bigla tungkol kay James.

Kailan kaya nya ako mapapansin? Malungkot nyang tanong sa sarili. hindi na siguro. 


Sa School:


Kring………………Kring……………Kring…….


Oh my! bell na..I need to go or else hindi ko na maabutan si Prince Charming.

Dali-daling lumabas si Devon sa kanilang classroom, habang may dala-dalang malaking Tupperware. Oras na ng uwian, kailangan niyang masundan si James to give him the food she brought from home. Ipinabili pa nya nman to sa kanyang yaya. Ayaw nyang masayang, kahit alam nya na ang gagawin ni James dito.


Hey where do you think you’re going?
Oh kaw pla bes, kay James. I need to hurry or else di ko na yon maabutan.
Hay naku Devon, hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo? binabalewala kna nga ng tao tapos ikaw parang manhid! Litanya ni Fretzie sa kanya.
I need to do this Fretz, my time is running, and sigaw ni Devon habang patakbo palayo sa kaibigan. I’ll see you!
Sa sobrang inis ni Fretzie sa kaibigan hindi na nya masyado napansin ang mga sinabi nito. Hay naku bes…when will you realize that James is not meant for you…he’s rude and I don’t even like him for you…I don’t want to see you sad. Nasabi na lang ni Fretzie sa sarili habang papunta sa kanyang sundo.



James!!!!!!!!!!!!!!!!! Wait, can I talk to you?
You know my answer! Pasigaw na sagot ni James.
Ok, I will not talk to you. I just want to give this… (pls Lord tanggapin sana nya…Devon prayed)
And what the hell is this, another kind of stuff na itatapon ko?
It’s ok just accept this bahala kna if ano ang gagwin mo dito….nagmamakaawang turan ni Devon sa binata.
Paagaw na kinuha ni James ang Tupperware from Devon’s hands.
Thanks James!

At walang pasabing umalis na si James sa harapan ni Devon.


Atleast tinanggap nya..pinaghirapan yata ng yaya kong bilhin yon no…sabi ni Devon sa sarili with a smile on her lips.




KINABUKASAN:


Good morning class…I want to announce to all of you a very much awaited program here in the University. This Hearts month we will be having our first Valentines Escapade. At based to what you’ve heard, isa itong escapade, which means we will celebrate Valentines Day and our very own 50th anniversary in a unique way this time. We will have our very first Valentines Camp…which is called, HEARTS CAMP.

Sabay- sabay na naghiyawan ang mga estudyante sa loob ng kanilang Gymnasium. All students are gathered for the announcement of their beloved Principal.

And we have decided that this event will be held in a very romantic place, Baguio!!! This will be held on the 10th-14th of February. And you’ve heard it right girls and boys..we will have this for a week! This is our tribute for all of you, after winning the Best University, the school owes something for all of you. So we will make the most out of it, at sana lahat kayo ay makakasama. That’s all for today, you can go back now to your classes.


At naghiyawan na naman ang mga estudyante……


Sa loob ng Classroom nina James


Hey James, are you excited about the escapade thing? Brett asked, James closest friend.
Not really, but I want to relax as well. And I know that it will be fun. James answered.
Bakit not really ang sagot mo?
It’s because I know my stalker will be there too. James added.

I know James that you don’t really like Devon, but I find her nice naman. And she’s beautiful in her own special way. Hindi ko nga maintindihan yong mga ibang students kase para diring-diri sila sa kanya. Brett added.

Because she’s flirt. Simple!

Oops..ok drop the topic. By the way how are you and Anne?
We’re getting to know each other; you know naman Brett that I really like Anne. She’s really far from Devon. She’s really beautiful and I’m sure if magiging kami, I will be the happiest man in the world.

Are you sure? Brett asked again.
Yup of course. Para namang naguguluhang sagot ni James.

AT JAMES’ HOUSE:


Iho! Hurry up, our dinner is ready. Tawag ng mommy ni James. I have something for your Tita Rose and Devon.
Po? What’s that mum? James asked.
Here, pls pakibigay kay Tita Rose mo to, sabay abot ng linutong ulam kay James.
Ok po, wla naman akong choice eh! Sabi ng binata sa sarili.
James are you saying something? His mum asked.
Nope! And James hurriedly went outside the house.


AT DEVON’S HOUSE:

Taow pow….taow pow……


Araaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyy………….
Anak ano ang nangyayari sayo? Bakit maputla ka?
Ma, ok lng po ako, medyo masakit po yong tyan ko eh..marami kase akong nakain kanina eh..
Ikaw namn kase anak, para kang lalake kung kumain eh..kahit anu kinakain mo. At saka napansin ko lang lately, para palage kang maputla, at kung hindi tyan yong ulo mo ang sumasakit? Buntis ka ba anak? Seryosong tanong ng Ginang.

Ma! Of course not..ang halay nyo nman po ma…tatawa tawang sagot ni Devon.
Hindi mahalay yon anak, natural lang yon noh…nakatawa na ring sagot nga mommy nya.
Hayan nyo ma, subukan kong gawin yan..hahaha
Oy Maria Devon, makakatikim ka sa akin, gusto mo?
Ma naman..Devon is cuter than that…so please drop the Maria..pati na si Fretz ginagaya kna kapag tinatawag mo ako ng ganyan
Sishin mo ang tatay mo! Her mum answered with a boisterous laugh.
Hahahahahha..at napuno na ng tawanan ang loob ng kwarto ng dalaga kaya’t hindi napansin ni Rose ang tamlay sa tawa ng anak.



Habang sa baba ng kanilang bahay:


Hello pow yaya, nandyan pow ba si Tita Rose? Bati ni James kay aling Lydia ang helper nina Devon.
Naku James nasa itaas ata..tatawagin ko..sandali lang. sagot naman ni yaya.
Nope, its ok pow yaya, pakiabowt nlng pow nitong ulam. Galing sa mommy pow.
Naku o cge iho, salamat dito. Sasabihin ko na lang kay ate.



Back to Devon’s room:


Tito please, wag na muna…I’ll go there tomorrow, don’t worry. I’m not yet ready, so please understand. Thanks Tito! Bye! Sabay baba ng telepono.

Hi Iha!, dala ko na yong gamot mo sa sakit ng tyan at heto na rin ang gatas mo.
Salamat mo yaya Lyds, magpahinga na po kayo ha. Ako na po ang bababa nito. Thanks po ulet sabay hug sa matanda. Natalinhagahan namn si Yaya Lydia, Devon is always sweet kahit kanino, pero may nararamdaman syang iba ngayon sa kinikilos ng alaga.
Tsaka nga pala iha, yong pogi mong crush pumunta sa bahay kanina, may dala-dalang ginisang hipon na malalaki.
Talaga po yaya?, sayang di ko po sya nakita. Malungkot na saad ng dalaga.

Ok lang yan, palage mo nman syang nakikita sa school diba? O teka may ipabibili kna nman ba para sa kanya bukas? Tanong na kanyang yaya.

Wala po yaya, sa susunod na nman po, wla na po kaseng budget eh..hehehe
Ikaw talaga! Cge bababa na ako ha…sleep well anak!
Opo yaya, good night po..mahal po kita!
Ikaw din, mahal na mahal ko…at lumabas na nga si yaya.

CHAPTER 2

It’s Saturday kaya walang pasok si Devon. Kagigising lang nya at lumabas sa terrace ng kanyang kwarto.

Pakisilip nga si mahal. nakangiti nyang sabi sa sarili. Sana nasa terrace din sya.

Ang bahay nina James at Devon ay magkatapat lng. At ang kwarto nila James at Devon ay nasa harapan ng daan. Kaya magkaharap din ang terrace ng kwarto ng dalawa. At doon nya palaging sinisilip ang binata.


James! Tawag ni Devon sa binata sabay kaway. Hi!
Napatingin nman si James sa kanya. What? Inis na sigaw nman nito.

Punta ako dyan sayo. Nagbake si mommy ng chocolate cake, dadalhan kita dyan. Sigaw ulit nya.
No thanks! Huwag knang mag abala pa! at pls. huwag kang pumunta dito at baka ako pa ang mag palabas sayo! banta ni James.
Suplado mo talaga mahal. sagot nman ni Devon ng may ngiti.
Stop it! Hiyaw ni James. You are getting into my nerves, stay away from me!
At pumasok na si James sa loob ng room nya.
Nakatitig parin si Devon sa labas ng room ni James kahit wla na ito.

Ok lng yan Devon, kaya mo nman diba! Kamag-anak ka ni Gabriela Silang! Kaya mo pa yan! Sabi nya sa sarili.

Nang bumaba si Devon para kumain ay napansin agad ng mommy nya na matamlay sya.

Anak, are u not feeling well? Tanong ng mama nya.
Hindi po mommy, ok po ako! Pilit na pinasigla ang boses.
O cya cge kumain kna, at pagkatapos ay dalhin mo ito sa tita Emily mo. Bilin ng Mommy nya sabay abot ng isang Tupperware na ulam.

Si Tita Emily ni Devon ay ang mama ni James. Pagkarinig ng bilin ng mommy nya ay bigla sya sumigla.
Opo mom,at your service. biro pa nya.
Napangiti lng ang mama nya.


Dali-daling tinapos ni Devon ang pagkain. Pagkatapos ay tinungo ang bahay ng mga Grant. Nadatnan ni Devon ang mama ni James sa labas ng bahay na nandidlig ng mga alaga nitong orchids.

Hi po Tita Ems! Sabay halik sa pisngi ng mama ni James.
O iha, what brought you here? Nice to see you! Busy ba sa school at ngaun knalng nkadalaw sa akin?
Opo Tita, marami kase tlagang dapat tapusin lalo na at malapit na ang katapusan. sagot nya.
Ganun ba, mabuti’t nkadalaw ka. Hala tara at pasok tayo. Anu ba ang dala-dala mo? tanong ng Ginang.
Ah heto po Tita luto ni mommy, nilagang baka.
Wow ang sarap, paborito ito ni James. Salamat iha, sabihin mo sa mommy mo. bilin nito.
Opo.

Pababa si James ng hagdanan nang tawagin sya.


Anak, halika at narito si Devon. Nagpadala ang Tita Rose mo ng linagang baka, paborito mo to. Sabi ng mama nito.
Ma, later nlng po at may lakad po ako. sagot nito ng di pinapansin si Devon. Naiinis sya dahil bakit magaan ang loob ng mama nya dito kahit noon pang maga bata pa sila. Lagi nlng itong masaya if Devon is around, lalo na ang Daddy nya.

They’re ridiculous. bulong ng isip nya.
Where are you going iho? Tanong ng Ginang.
I’ll visit Anne mama. Sinadyang iparinig kay Devon. Habang si Devon nman ay nag bingibingihan sa narinig.

Ouch! Sakit. sabi nya sa sarili.

OK, just be here before 5pm. Bilin ng mommy nito.
Yup. Sagot nito sabay halik sa pisngi ng mama nya at tumalikod ng di nagpapaalam kay Devon, ng biglang humarap ito at tinawag ang panagalan nya. Habang si Devon ay parang nakarinig ng musika……

Devon! sigaw ni James.
Tell Tita, thank you! sa mahinang boses nasabi ni James.
Hindi na hinintay ni James na makasagot sya. Derederetso na itong lumabas ng bahay.
Suplado talaga, pero love ko parin. Sabi ng isip nya.

CHAPTER 1

Hi anak! How’s your sleep? Maganda ba ang tulog mo? Ang sabi ng mama ni Devon.
Yup Mom, I had a very good sleep! Devon answered.
Oh that’s good to hear then; ok here eat your breakfast fast para di ka malate sa school, damihan mo yong kain ha, sagot ng mama ni Devon.
Opo mommy! sagot naman ng dalaga.


AT SCHOOL


Hi James!

It’s from Anne ang kaklase ni James. James and Anne are both Sophomores sa isang kilalang paaralan sa kanilang lugar. They both have known inside the University. James is a varsity player sa Basketball and Anne is a Cheerleader ng School. James has a crush on Anne. Sino ba ang hindi ma aapektuhan sa ganda ng babaeng ito, para itong anghel na bumaba sa lupa. Anne came from a well-known family. He’s dad is a business tycoon na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking mall sa kanilang Bayan. While her mom, is a beauty titlist. Nanalong Miss Korea noong dalaga pa. Anne is Korean pero lumaki sa Pilipinas.

Hi Anne! Bati din ni James. Nice to see you!
Same here! Sagot naman nito, May game ba kayo later?
Nope, pero we will have a practice later at 3pm. Watch ka ha! James invited Anne.
Anne nodded. I need to go James, see yah!
Bye Anne take care, ganti ni James.
Anne smiled.

While James is walking down the hallway, may tumapik sa kanyang balikat.
Ouch ang sakit? Ano ba! sigaw ni James.
Hi James! Kamusta? bati ni Devon.

Devon, ang pangalang kinaiinisan ni James.But Devon is well-known sa campus nila.hindi lang dahil isa ito sa pinakamatalino sa klase but more because lantaran itong nagapakita ng feelings sa crush ng buong Campus. She is a freshmen student in the University yet she could compete to any other levels sa kanilang School. But Devon is a total opposite of Anne. Anne is prim and proper, while Devon is bubbly and a happy-go-lucky person. Kaya nga siguro hindi siya magustuhan ni James. While Devon,is deeply inlove with James. Mula noon hanggang ngayon. It’s just getting deeper and deeper habang lumilipas ang mga araw.


Grrr…ano ba Devon! I don’t want to see you first thing in the morning, pls don’t follow or else…di na dinugtungan ang gusto pa sanang sasabihin ni James kay Devon sa sobrang pagkainis.
And James started to walk away from Devon, hindi niya talaga maintindihan kung bakit napakakulit nito.

And Devon just smiled. James sana kahit ngiti lang. sambit ni Devon.


BASKETBALL COURT:


Devs, bakit ba tayo nandito? Uwi na tayo pls. it’s from Fretzie, Devon’s bestfriend.
Nope, we will not go anywhere bes, we need to watch James. Cge na pls. kahit sandali lang. Devon is begging.
Devon! Pls…how many hours na naman ba ang igugugol natin for this?

Fretzie is Devon’s bestfriend. Isa ito sa pinakamamahal ni Devon. She’s not only a friend but a sister as well. Dahil si Devon ay nag iisang anak at ganoon din si Fetzie. Sila ay lumaki ng sabay at naging magkaibigan since Kindergarten. Una pa nga niya itong nakilala kaysa kay James. Ahh, si James ang secret crush ko. Hindi niya alam na napalakas ang boses niya.


What? Devs hindi na secret yon. Halos siguro lahat ng students dito sa Campus ay alam ang pagtingin mo kay James eh! Pasigaw ni Fretzie.
Napatingin si Devon kay Fretzie at inilagay ang kamay sa bibig ng kaibigan nya. Bes, pls huwag mo naman ipagsigawan ho, meron pa namang walang alam tungkol dun eh!..kahit kaunti…sabay kurot sa kaibigan.
Aray! Bes, ang sakit mo talagang mangurot! Huhu, paiyak na drama ng kaibigan niya.

Hmmp..ikaw nman kse bes eh, napaka outspoken mo talaga..nahihiya tuloy ako, bka may nkarinig ng sinabi mo..hehehe. alo ni Devon sa kaibigan sabay yakap dito.
May hiya ka pba? ganti nman ni Fretz na nakangiti.


Yup Fretzie is outspoken just like Devon, magkaibigan nga sila.

Tara dun na tayo umupo sa harapan..dali, tili ni Devon.
ssh..maghunusdili ka Maria Devon! saway ni Fretzie.
Eww! tili ulit ni Devon pagkarinig nya ng buo nyang pangalan, ang pangit talaga ng kombinasyon ng pangalan ko. bulong nya.
Sisihin mo ang tatay mo, ganti nman ni Fretzie. At sabay silang napatawa.


Habang nag dridribble si James ay nakarinig sya ng di kanais nais na tili. Hay naku andito na nman sya. Hindi niya ba ako titigilan? Kainis. inis na sabi ni James sa sarili.


Devon is a nightmare for James. Sino ba ang hindi ma iinis sa kagaya nito. She’s a flirt. Palage nalng nakabuntot kay James. Lantarang pinapakita dito ang crush niya kay James. Sbi nga ng ibang mga friends ni James, si Devon pa ang nanliligaw sa binata.Walang araw na wla itong dala para sa binata talo pa nga nito ang ibang boys kung manligaw. Kaya ayaw ni James dito, he doesn’t like maharot na girls. He will never fall inlove with her…ever.

I really hate the girl! Inis na sabi ulit ni James. Di nya namalayan na napalakas ang kanyang boses.
Her name is Devon, sabi ng kaibigan nyang si Ivan, sabay kindat.
Napamaang naman si James.


James! Go go go! tili ni Devon.
Narinig na ata si Devon sa buong Court, halos lahat ng nandoon ay nakalingon sa kanya ng tumili siya.
Bes, stop it! Saway ni Fretzie.
Bes, ang kj mo talaga. Ganti ni Devon.
Let’s go home sa ayaw mo’t sa gusto. sabi ni Fretzie
Opo nanay! inis na sagot ni Devon.

At naglakat na ang dalawa palabas ng Court. Hindi pinapansin ni Devon si Fretzie habang nakasakay sila sa kotse ng huli.

Oy,wag na sanang magtampo ang iba dyan anu? Hindi lng nman gusto ng bestfriend nya na magmukha syang tanga doon sa Court. parinig ni Fretzie sa kaibigan.
Nakanguso na tumingin si Devon sa kaibigan. Hmmp..nagkamali lng siguro ako sa pagpili sayo anu? dugtong niya.
Na maging bestfriend mo? At bakit nman nasabi mo iyan aber? Huwag knang magtampo dyan! Inis narin si Fretzie.
But after a second, nagkatinginan ang dalawa at sabay napahalakhak! Ang drama! Badoy! sabay na sabi ng dalawa.

Ganoon nman sila palagi, parang aso’t pusa, but at the end of the day they will realize na sila lng tlaga ang magkakampi. And they still choose to be friends forever.